CLINTON's POINT OF VIEW NAGISING ako kinabukasang wala sa aking tabi si Sarah, inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid na tinutuluyan namin ngunit hindi ko ito nakita, kaya't nagdesisyon na rin akong bumangon at hanapin ito. Samantalang nang mapagawi ang aking pansin sa parteng gitna ng kama, ay marahan akong napangiti nang makita ko ang katibayang tuluyan ko nang nakuha ang aking asawa, na sana'y noon pa nangyari, ngunit dahil sa ilang mga bagay at mga nangyari ay hindi ko nagawa. Mahigit tatlong buwan na rin kaming kasal at dalawang linggo na lang ay apat na buwan na rin kami mula nang maikasal at ngayon pa lang talaga nagkaroon ng mga kaganapan sa pagitan naming dalawa bilang mag-asawa. Nagsuot lang ako ng boxer at dumiretso sa terrace, subalit walang Sarah o kahit anino nit

