KABANATA 11

3090 Words

CLINTON's POINT OF VIEW NAPATINGIN ako sa terrace nang mapansin ko ang aking asawa na si Sarah habang tahimik na nakatingin sa kalangitan. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng awa at pag-aalala rito, mula pa kahapon nang masaksihan nito ang aking galit na hindi ko napigilan pa, kaya't pati ito'y nakaramdam ng takot sa akin, at ang naging pangyayari sa loob ng restaurant kanina. Mariin lang akong nakatingin sa pigura nito at pinapanood ang pag-angat ng hanggang balikat nitong buhok dahil sa hangin. Hindi ko muna ito nilapitan at hinayaan ko na muna ang sarili kong nakamasid dito, napa buntonghininga na lang ako habang napapaisip, dahil sa halos tatlong linggo naming pananatili rito ay hindi ko pa nagagawang ipasyal ito na sana'y sa loob ng tatlong linggong iyon ay marami na kaming nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD