KABANATA 2

2034 Words
SARAH's POV WEDDING DAY Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, ngunit sa kabila ng mga emosyong iyo ay nangingibabaw ngayon sa aking dibdib ang mas higit na pangamba kaysa sa lubos na kasiyahan. Alam kong dapat lamang akong maging masaya ngayon at iyon lang ang dapat kong maramdaman, ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil para bang nararamdaman ko na ngayon ang takot. Takot sa posibilidad na puwedeng mangyari o maranasan ko sa piling ni Clinton. Alam ko rin na mahal ako ni Clinton at hindi maitatanggi ng katotohanan ang anggolong iyon dahil ipinararamdam at ipinakikita rin nito akin kung gaano at hanggang saan ako nito kamahal. Subalit sa kabila sa kabila ng pagmamahal na iyon ay maraming tao ang hindi masaya para sa amin. Sa desisyon naming ni Clinton. Ang magpakasal. Bumuntonghininga na lamang ako at itinuon ko ang aking atensyon sa unahan, kita ko ang masayang mukha ng lalakeng ilang minuto na lang ay magiging pag-aari ko na at magiging asawa ko na. Asawa na puno ng pagmamahal at pagpapahalaga para sa akin. Dalawang taon din itong nanligaw at hindi tumigil sa kakapanuyo hangga't hindi nito nakukuha ang sagot kong oo. At no'ng araw na sinagot ko ito ay kaagad na rin naman akong inaya ng kasal, kahit sa huwes lamang muna raw, pumayag naman ako dahil gusto ko na ring maitali ito sa akin, dahil aminado naman akong mahal ko na rin si Clinton. Hindi ko rin maitatangging hinahangad ko rin itong makasama habang buhay, subalit ang plano naming magpakasal noon ay hindi natuloy dahil sa trahedyang nangyari kay Leizle. Naghintay pa kami ng ilang panahon para maisakatuparan namin ang plano naming pagpapakasal at ang inaakala kong magiging maayos na ang lahat sa pagpasok ko sa buhay ni Clinton ay kabilaktaran sa aking inaasahan. Malaki ang pag-ayaw ng ina ni Clinton sa relasyon naming dalawa, na hindi raw ako nababagay sa anak nito, ngunit dahil sa kagustuhan ni Clinton na makasal kami ay wala na ring nagawa ang ina nito. Batid ko namang sa relasyon naming dalawa ay hindi lang ako ang nagmamahal dahil nararamdaman ko kung gaano rin ako kamahal ni Clinton, kaya't pinili ko rin ang kumapit at magtiwala kay Clinton. Napangiti ako habang nananatiling nakatitig kay Clintong habang papalapit sa unahan, dahil ilang minuto na lamang ay magiging isang ganap na may bahay na rin ako ng lalakeng ni minsan ay hindi ko pinangarap, ngunit nang matutunan ko itong mahalin ay napuno ako ng pag-aasam na maging isang kabiyak nito sa buhay. Hindi man pantay ang istado ng aming pamumuhay ay handa pa rin akong patuloy na lumaban para sa pagmamahal ko sa lalakeng nagparamdam sa akin ng kahalagahan at pagmamahal kagaya ng pagmamahal na ipinararamdam ko para dito. Habang papalapit sa altar ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha nang makita ko ang lalakeng naghihintay sa akin sa unahan at panay ang pagpupunas ng mga luhang kitang-kita ko ang pagdaloy sa tigkabila nitong mga pisngi. Kung kanina ay ngiti ang aking nakikita sa mukha nito, ngunit ngayon ay nahaluan na nang pagluha. Luha hindi dahil sa lungkot, kundi sa kaligayahang nararamadaman, tulad rin ng damdaming bumabalot sa aking puso at buong pagkatao sa mga sandaling ito. Mahal ko ang lalakeng ito, ang lalakeng lumuluha sa aking harapan dahil sa kaligayahang nararamdaman, tulad rin ng kaligahayang bumabalot ngayon sa aking puso. At kailanman ay hindi ko ito pagsasawaang mahalin at unawain. Pinunasan ni Clinton ang luhang dumadaloy sa aking mga pisngi gamit ang mga daliri nito, habang ang mga luha naman nito'y patuloy rin sa pagpatak. "I love you, baby," bulong na sambit ni Clinton. Ngumiti ako. "I love you too, hon." Napangiti na lang ako nang dinampian ako nito ng magaang halik sa aking noo, saka ako inalalayang makalapit sa harap ng altar, pagkatapos nitong magpaalam at magbigay galang sa aking mga magulang, ako man ay ganoon din ang ginawa sa ama nito at kay Sir Luke na tumayong best man sa aming kasal. Nagsimula ang seremonya ng kasal, nagpalitan kami ng aming mga vow, at muli ay hindi ko napigilang hindi mapaluha, dahil damang-dama ko ang bawat salitang binibitiwan nito. MY VOW TO HIM "On this day, I give you my heart, My promise, that I will walk with you, hand in hand, wherever our journey leads us, living, learning, loving, together, forever.” “I believe in you, the person you will grow to be and the couple we will be together. With my whole heart, I take you as my husband, acknowledging and accepting your faults and strengths, as you do mine. I promise to be faithful and supportive and to always make our family’s love and happiness my priority. I will be yours in plenty and in want, in sickness and in health, in failure and in triumph. And I will dream with you, celebrate with you and walk beside you through whatever our lives may bring. You are my person—my love and my life, today and always. I love you, hon.” lumuluha kong sambit. Pinunasan naman nito ang aking mga luha, saka ito ngumiti at sinimulan na rin nito ang vow nito para sa akin. CLINTON'S VOW TO ME "On this day, I give you my heart, My promise, that I will walk with you, hand in hand, wherever our journey leads us, living, learning, loving, together, forever.” “I promise that each kiss will be filled with more love than the last. If you fall, I will catch you, I’ll be waiting time after time, I cannot wait to spend a lifetime loving you. I vow to express my love for you as often as I breathe each breath. You are the person I want to spend forever with. As I have spent my whole life looking for my other half, I knew it was you from the moment we met. Although it is until death do us part, I know that we will never truly part because our souls are made for each other. I promise that each kiss will be filled with more love than the last and that our days together will grow in love and devotion. From today onward, you and I will be one in heart, body and mind. I vow to cherish you, devote my life to you and always be true. Let us build a home, a life and a family from our bonds of true love and our vows to stick together through all life’s challenges. Marriage bridges two shores, binding us together as one unbroken path, on which I vow never to deviate, never to falter, and to always be by your side. Nothing will divide us because I know that with your love, I will always have strength.Without you, my life has no meaning. I vow to always remember to treasure you.I am yours. You can have it all. I love to hold you in my arms each night. You are the best thing about me. I never knew that life could be a dream until I met you. I vow patience, honesty and adoring love as long as we both shall live. To promise to love you in sickness and in health, in good and in bad is the easiest promise I’ve ever made, because vowing to love you was something I decided when I first met you. Take my heart, love me forever and I will never leave your side. You and I are one. Today you will be my wife, but we will be soulmates forever. Our love withstands our flaws, our imperfections and our shortcomings because our love always cherishes and loves the good in each other. You will never want for anything in this life as long as you love me as I will love you. I love you so much, baby.” Tulad ko ay patuloy rin sa pag-agos ang mga luha nito habang sinambit ang vow nito para sa akin, habang ako naman ay hindi na lalo pa maampat ang bawat pagpatak ng aking mga luha. Gusto kong panghawak ang mga salitang binitiwan nito sa akin upang maging lakas at sandata ko habang buhay. Aaminin kong hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot at pangamba na kung halimbawang dumating kami sa puntong kailangang may palayain, at iyon ang araw na hindi ko gugustuhing dumating o mangyari, dahil baka hindi ko kayanin. Mahal na mahal ko ang lalakeng ito, at kailanman ay hindi ko nanaising mawala. Pagkatapos ng pagpapalitan namin ng aming mga vow ay nagpalitan na rin kami ng aming mga singsing at nang matapos ay sinabi na ng pari ang kanina pa rin gustong gawin ni Clinton. Napatawa na lang ako nang mapansin kong may pagdudumali nitong itinaas ang aking belo. "This is it, wife," bulong nitong ikinatawa ko. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa akin, habang ako naman ay sunod-sunod na napapalunok at agad nakaramdam ng bahagyang nerbyus. Hindi ito ang una at pangalawang beses na magdidikit ang aming mga labi, ngunit sa tuwing mangyayari ang ganito ay hindi ko maiwasang hindi makaramdamn ng kaba, kaba sa hindi ko rin maintindihang dahilan. Naramdaman ko na ang pagdikit ng labi nito sa aking labi, at kusa namang pumikit ang aking mga mata, ngunit ang higit pa sa inaasahan kong halik ay hindi nangyari dahil bumitaw na rin agad ang labi nito. Agad akong nagmulat ng mata at mariin ko itong tinitigan, ngunit sa puntong iyon ay bigla namang sukilay ang tila nakakalokong ngisi nito sa labi na tila ba ng aasar. "Later, baby. I know hindi ka kumportable dahil maraming tao, kaya ihanda mo na ang sarili mo mamaya, dahil ngayong gabi, ito na ang simula. Akin ka na, at wala ng makakaagaw pa sa 'yo mula sa akin," bulong nito sa aking tainga, saka ako nito hinalikan sa aking noo at niyakap sa baywang. Hindi naman ako nakakibo at tahimik na lamang bumaling sa mga taong naghihiyawan. "Woahhh!" "More!" "Ayos!" Ilan lamang ang mga iyan na maririnig dito sa loob ng simbahan dahil sa naging paghalik sa akin ni Clinton na kung tutuusin ay normal lamang sa mga ikinakasal. Napatawa na lamang kaming mag-asawa at sabay itinaas ang aming mga kamay na may nakasuot na singsing habang may mga ngiting nakapaskil sa aming mga labi. Kita ko ang kaligayahan sa itsura ng aking pamilya, ngunit kung ikukumpara sa pamilya ni Clinton ay tanging ama lamang nito ang may magandang ngiti at batid kong tanggap nito ang naging desisyon naming dalawa ni Clinton. Ang pagpapakasal. Subalit kung sa ina nito ay alam kong labag sa kalooban ng aking beyanang babae, dahil umpisa pa lamang naman talaga ay ayaw na nito sa akin, lalo na nang nalaman nitong isa lamang akong katulong ng kaibigan nitong matalik, at minsan na rin akong pinaratangang mukhang pera at pera lamang daw ang habol ko kay Clinton. Aaminin kong masakit at nasaktan ako, dahil masyado nang ibinaba ng ina ni Clinton ang aking pagkatao dahil lang sa mga maling paratang na iyon. Ganoon pa man ay nanatili akong nagbingi-bingihan dahil kailangan ko pa rin itong igalang bilang ina ito ng lalakeng ngayon ay asawa ko na. "Are you happy?" mahinang tanong ni Clinton. Tumango ako, saka ngumiti. "Yes, hon. So much happy." Inihilig ko ang aking ulo sa dibdib nito at ipinikit ang aking mga mata. Marahil dala ng pagod ay agad na rin akong hinatak ng antok. Sakay kami ngayon ng private plane ni Clinton, papuntang France, ayon na rin na kagustuhan ni Clinton at sinang-ayonan ko lang, upang doon daw namin idaos ang aming honeymoon. Kasabay na rin daw ako nitong ipapakilala sa mga empleyado ng kanyang mga restaurant doon. Isa rin sa hinangaan ko noon dito, ay ang pagiging magaling nito sa pagluluto, at aaminin kong kinahuhimalingan ko ang sarap ng mga pagkaing inihahanda nito sa akin, lalo na pag-alam nitong nagtatampo ako. Kaya hindi ko rin maiwasan minsan ang mag-inarte o magpa-bebe rito, nakakatawa man pero sa gano'ng paraan kilig na kilig ako. Bukod sa pagiging detective nito ay isa ring libangan nito ang pagluluto, na kung hindi rin dahil sa galing nito sa larangang iyon marahil ay hindi kami nagkakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD