MALALAKING hakbang kong tinahak ang direksyon kung saan nakita sa monitor ang aking asawa, na kulang na lang ay halos liparin ko na ang daan upang makarating lang agad sa kinaroroonan ng aking asawa ng lalaking kasama nito. Pagdating ko sa restaurant ay agad na rin akong pumasok. Kitang kita kong nakahawak ang g*gong 'yon sa mukha ng asawa ko, habang waring enjoy na enjoy pa sa ginagawang panlalandi sa aking mahal. Agad ko itong binira ng malakas na suntok, na naging dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Narinig ko ang malakas na sigaw ni Sarah, at ng ilang mga taong nasa loob din ng restaurant. Mababakas sa boses nito ang pagkabigla, at nang lingunin ko ito'y kita rin sa mukha ang takot. "C-Clinton! Jayson!" sigaw ni Sarah. Nakita kong agad itong tumayo, at mabilis na dinaluhan ang g*g

