Chapter 15

1014 Words
Chapter 15 3rd Person's POV Ilang oras ng nag aantay si Flint pero hanggang ngayon walang babae na dumating ang tinutukoy niya ay si Aspien. Aalis na sana siya ng may tumawag sa kaniya. "Flint!" tawag ni Aspen sa kaniya, bahagyang nagulat si Flint kasi ni isang beses hindi siya nito tinawag sa pangalan. Sa pag aakala ni Flint na si Aspien ito ang babaeng kasama niya gabi gabi dito sa park. Ngitian niya si Aspen na kinapula ni Aspen. "Kanina ka pa?" tanong ni Aspen kay Flint matapos ito makarating sa pwesto ni Flint. Umupo si Aspen sa tabi ni Flint. "Hindi naman kakarating ko lang din eh," alanganin na sabi ni Flint na kinatango-tango ni Aspen. "Ahh btw flint ahm may sasabihin sana ako," nahihiyang sabi ni Aspen. Naninibago si Flint sa mga kilos ni Aspen na akala niya si Aspien pero hinayaan niya nalang ito at di na pinansin. "Spill it," may ngiting sabi ni Flint. Feeling ni Aspen mahihimatay siya sa kilig dahil sa nginitian siya ni Aspen. "Ahhmm kasi," ani ni Aspen at yumuko dahil sa hiya. "Ano yon?" tanong ni Flint at inangat ang mukha ni Aspen. "Gusto kita," ani ni Aspen at tiningnan si Flint sa mata. Natatakot siya na baka ayaw ni Flint sa kaniya. "May sasabihin din ako pero bago yon sabihin mo muna pangalan mo sakin," sabi ni Flint kay Aspen na kinatakha nito. "So? Hindi pala nagpakilala si Aspien ha," ani ni Aspen sa utak niya. Napangisi si Aspen sa idea na tuluyan niya ng maaagaw si Flint kay Aspien. "Aspen, Aspen Lewis," nakangiting sabi ni Aspen. "Sa wakas sinabi mo na ang pangalan mo," natutuwang sabi ni Flint na kinatawa ni Aspen habang nagkakamot sa ulo. "Teka ano pala sasabihin mo?" biglang tanong ni Aspen na kinatigil ni Flint. "Ah wala wala haha nakalimutan ko na eh," ani ni Flint at napakamot sa ulo. Hindi niya kayang sabihin na pati siya may gusto kay Aspen na akala niya si Aspien. Feeling niya ibang tao kausap niya. "Ahhmm Aspen pwede ba kitang yayain mamasya-" "Mag-date? Sige sige anong oras? Saan tayo magkikita? Susunduin mo nalang ba ako?" excited na sabi ni Aspen na kinatanga ni Flint. "Ahm ano sunduin nalang kita bukas mga 9am," alanganin na sabi ni Flint. Nagtataka na talaga siya sa ikinikilos nito. "Okay sige ito ang address ko at ang contact number ko, antayin kita bukas ah! Una na ako ah bye!" ani ni Aspen at tumakbo na pero bago yon may narinig pa si Flint na sinabi ni Aspen. "Yieeee sasabihin ko to kay mom siguradong matutuwa yon," rinig niyang sabi ni Aspen. Nakatingin lang si Flint sa papalayong bulto ni Aspen isang malaking question mark ang nasa utak niya. "Siya ba talaga yon bakit feeling ko iba at sasabihin sa mommy niya? Hindi ba sabi niya galit sa kaniya ang mommy niya?" " mahinang bulong ni Flint. - "Oh Flint iho ginabi ka na naman nakipagkita ka na naman ba kay lucky girl?" nang aasar na sabi ng lola ni Flint matapos makauwi ni Flint sa mansion nila. "Haha opo lola nagpakilala na din siya sakin," natutuwa na sabi ni Flint na kinangiti ng matanda. "Talaga? So ano pangalan niya?" excited na tanong ng lola niya. "Aspen po, Aspen Lewis," nakangiting sabi ni Flint. "Aspen Lewis? Aba small world nga naman bestfriend ng daddy mo si Mr Lewis," ani ng matanda na kinagulat ni Flint. "Talaga grandma?" nanlalaking mata na tanong ni Flint. Tumango tango naman ang matanda. "Yes!" sigaw ni Flint na kinabigla ng lola niya. "Bakit apo?" ani ng lola niya na nakahawak sa dibdib nito dahil sa pagkabigla kanina. "Wala po grandma sige una na ako sa taas ah bye grandma," ani ni Flint bago hinalikan ang lola niya saka tumakbo pataas. - Pagkauwi ni Aspen agad niyang kwenento sa mommy niya ang pag aaya ni Flint sa kaniya makipag-date. At dahil magkaharap lang ng kwarto si Aspien at Aspen don sa labas ng kwarto ni Aspien nagkwento si Aspen at halatang nilalakasan ito para marinig ni Aspien. Sinabi din nito na nagconfess sa kaniya si Flint na hindi naman totoo. Pagkatapos niyang ikwento inaya niya na ang mommy niya na bumaba. Bago umalis nilingon muna ni Aspen ang kwarto ni Aspien bago ngumisi at naglakad na. "Nga pala anak sa susunod na buwan na ang graduation niyo diba? Panigurado ikaw na naman ang mangunguna sa lahat at hahakot ng lahat ng medalya," proud na sabi ng mommy ni Aspien at Aspen kay Aspen. "Oo naman mom, wala kayang makakatalo sa maganda niyong anak," ani ni Aspen at nagflip hair pa. Tumawa lang ang ginang. "Mabuti ka pa pero yang kakambal mo naku sobrang sakit sa ulo," nanggigigil na sabi ng mommy nila. Napangisi si Aspen sa narinig. "Ewan ko ba kay Aspien mom inuuna pa ang pakikipag basag ulo kesa sa mag aral," sabi ni Aspen sa ginang. "Ang sabihin mo inuuna niya ang paglalandi tsk," ani ng ginang na may galit sa mukha. Napangisi si Aspen pero agad niya ding binawi yon at pinalungkot ang mukha. "Oo nga mom eh ayoko matulad siya sa iba na mabubuntis ng maaga sinasabihan ko siya lagi pero paulit ulit niya akong tinutulak palayo," acting ni Aspen na agad namang umipekto kasi kahit mga katulong na paniwala niya. Marami sa mga katulong ang nagsasabi na ang bait daw talaga ni Aspen at sobrang sama naman ni Aspien. Niyakap ng ginang si Aspen sa pag aakalang nalulungkot talaga ito. "Hayaan mo siya anak matututo din yan, kukumbinsihin ko din ang daddy mo na ipadala ulit siya sa states baka doon magtino na siya," pagpapagaan ng loob ng mommy niya. Hindi nakaligtas sa mata ng isang katulong ang pag ngisi lagi ni Aspen na kinatakha nito. "Mag intay ka lang Aspien, magugulat ka nalang nasa akin na lahat ng meron ka lalong lalo na si Flint. Dati ikaw lagi pinapaburan ni kuya at dahil sayo namatay si kuya pagbabayarin kita sa ginawa mo sisimulan ko kay Flint myloves," ani ni Aspen sa utak niya at ngumisi ng malademonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD