Chapter 43 Aspien Lewis' POV. "Alam mo ba akala ko noon pag sinabi ko sayo na buntis ako kakaayawan mo ako— like masyado ka pang bata para maging ama, labis labis ang kaba ko kanina habang sinasabi sayo ang tungkol kay Alistair," mahinang sabi ko agad niya naman akong hinalikan sa labi. "Huwag na natin isipin ang past, ang importante ang ngayon," nakangiting sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Teka nga nanliligaw ka pa lang diba?" nakasimangot na sabi ko na kinatawan niya. "Sabi ko sayo kanina itulak mo ako pero ikaw pa ang humalik kaya syempre matagal din akong nagpipigil tuwing nakikita ka. Alam mo bang sa tuwing nakikita kita gusto nalang kitang sunggaban at ikulong sa kwarto," ani niya na kinalaki ng mata ako. Agad ko siyang pinaghahampas ng unan na kinatawa niya.

