Chapter 18
Flint Dela vega's POV
"Oh bro musta date niyo ng bagong chix mo?" bungad na tanong ni Hendrix sa akin pagkapasok ko sa opisina ko. Mga gago nauna pa sakin.
"Oo nga bro ano naka score ba?" ani naman ni Caspian
"Wow ha! Opisina niyo to opisina? Nauna pa talaga kayo sakin pumunta dito," ani ko at inismidan silang dalawa.
"Hahaha bagal mo kasi bro eh teka so ano nga kwento mo samin ang nangyari sa date niyo," ani naman ni Caspian at kumindat pa.
"Gusto niyo talagang malaman?" nakangising sabi ko. Agad naman silang tumango tango.
"Nanood kami ng movie na puro porn-"
"Blag!"
"Bogs!"
"Aray!" napatingin ako sa kanila mga gago ang tatanga. Nahulog lang naman si Caspian sa sofa na kinauupuan niya habang si Hendrix naman napasalampak pwet niya sa sahig balak ata sana nito umupo.
"Ay mga tanga!" biglang sabi ng secretary ko na kakapasok lang. Si Felix, btw guys kaibigan na din namin siya pag kami lang tatlo bro tawag niya sakin, pag may ibang tao sir.
"Bro may meeting ka pala ngayong 10 am with Mr. Lewis," ani ni Felix na kinatingin ko sa kaniya. Mr. Lewis?
"Sige bro salamat-"
"Hoy sinong tanga ha! Gusto mo suntukan Felix," nanggagalaiting sabi ni Hendrix habang nakahawak sa pwet niya.
"Masakit?" pang-aasar ni Felix na kinasapo ko sa noo. Ayon naghabulan na naman silang tatlo. Bakit ko nga ba naging kaibigan ang mga to?
"Yan kasi si Flint nanood daw sila ng chix niya ng porn!"
"Wtf!" sigaw ni Felix sa gulat at napatingin pa sakin. Tinaasan ko naman ito ng kilay alam ko na iniisip nito eh.
"Nanood lang kami yon lang yon," bored na sabi ko pero tiningnan pa din nila ako ng may pagdududa.
"Mukha ba akong manyak sa paningin niyo?" naiinis na sabi ko grabi makatingin eh.
"Oo!/Yes!/Talaga!" sabay na sigaw nilang tatlo. Sa inis ko pinagbabato ko sila ng sapatos ko na nakatambak sa office ko.
"Aray bro!"
"Tangina mo Flint sagad!"
"f**k!"
Komento nilang tatlo ng matamaan sila sa ulo ng mga flying sapatos ko.
"Oh diba nakakita kayo ng lumilipad na sapatos, astig diba," nakangising sabi ko.
"Astig my ass balik na nga ako," ani ni Felix at lumabas na. Tiningnan ko naman ang dalawa at tinaasan ng kilay.
"Oh kayo ano pang ginagawa niyo diba?" ani ko na kinasimangot nilang dalawa.
"Ito na nga aalis na! /i hate you bro!" pagdadrama nilang dalawa at sabay na lumabas. Napailing nalang ako dahil sa kakulitan nila.
"Kring! Kring! Kring!" napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Tiningnan ko ang caller at walang iba kundi si Aspen.
"Hello," ani ko may narinig naman akong mahinang tili.
"Ahhm Hello Flint," ani niya sa kabilang linya.
"Oh Aspen napatawag ka?" tanong ko habang nagpipirma sa mga dokumento.
"Ahhmm iniimbitahan ka kasi ni mom na dito na mag-dinner mamaya, payag ka ba?" napatigil ako. Maya maya napangiti din.
"Sure, punta ako diyan mga 7pm," ani ko narinig ko pa ang tili ni Aspen sa kabilang linya.
"Okay antayin kita dito ah! Bye!" excited na sabi niya at bigla nalang pinatay ang tawag. Oh? Okay?
"Bro ngayon na meeting mo kay Mr Lewis," biglang pasok ni Felix. Tumayo na ako at kinuha ang coat ko.
"Saan ang meeting?" tanong ko kay Felix habang papalabas kami ng opisina. Kada meeting ko kasi kasama siya syempre siya ang secretary ko.
"Sa guzon restaurant sir," pormal na sabi niya. Madami kasing tao kaya ganyan ka pormal ang loko. Nang makarating kami sa parking lot sumakay na ako sabi niya siya nalang magdadrive.
Mga ilang minuto ang byahe nakarating na din kami sa wakas sa restaurant. Sabay na kaming pumasok ni Felix. Nasa likod ko siya. Malayo pa lang nakita ko na si Mr Felix na nakatalikod dito.
"Mr Lewis," pormal na sabi ko. Napalingon naman siya at biglang nalang ngumiti.
"Andito kana pala iho upo ka," ani niya kaya umupo na kami ni Felix.
"Anlaki mo na haha hindi mapagkakaila na anak ka nga ni Fero," natatawang ani niya. Napakamot naman ako sa ulo. Pano ba naman kasi naiilang ako ngayon ko nga lang nakita to eh.
"Hahaha i guess di mo ako kilala? Ako si Aero Lewis bestfriend ng daddy mo," ani niya at nakipagkamay sa akin na agad ko din namang tinanggap.
"Oh anyway maya na tayo nagkwentuhan about sa mga buhay natin nandito tayo para sa business," ani niya. Nagsimula na kaming mag-usap about sa gusto niya maging magkatulong kami sa pagpapatayo ng isang building sa lupq na pagmamay ari niya.
Si Felix naman nakikinig lang at minsan may sinusuggest din. Mga dalawang oras na pag-uusap natapos na din kami. Nag order siya ng makakain namin.
"Anyway? Mr Lewis-"
"Tito nalang iho," ani niya kaya napakamot ako sa ulo.
"Okay tito kilala niyo ho ba si Aspen Lewis?" tanong ko na kinakunot ng noo niya.
"Anak ko siya iho bakit mo natanong?" seryusong ani niya na kinalunok ko.
"Ahh wala ho tito siya lang ba mag-isa na anak niyo?" naiilang na tanong ko grabi kasi makatingin si tito.
"No kambal sila, si Aspen at Aspien. Kung hindi dahil sa pananamit at ugali nila hindi mo malalaman kung sino si Aspen at kung sino si Aspien," ani niya na kinabigla ko. Bakit biglang lumakas ang t***k ng puso ko ng marinig ang pangalan ni Aspien.
"Yong isa kasi sa anak niyo na-meet ko na at naging kaibigan, kaso laging gabi lang kami nagkikita kasi tumatambay lang naman siya don para magpalamig-"
"Ibigsabihin ikaw ang kasama ni Aspien tuwing gabi?" tanong niya na kinatakha ko.
"Teka nagkakamali po kayo tito hindi siya si Aspien sabi niya siya si Aspen-"
"Hindi lumalabas ng gabi si Aspen iho," putol niya sa sasabihin ko.
"A-ano? Ibig sabihin si Aspien talaga ang kasama ko sa park at hindi si Aspen?" nanlalaking mata na sabi ko.
"Small world nga naman anyway ayain mo din minsan ang dad mo pumunta sa bahay matagal ko ng hindi nakikita ang lokong yon," natatawang sabi ni tito na kinatawan ko din.
"Sige ho tito sasabihin ko sa kaniya."