"Hey bud, masyado ka na talagang busy at di mo na kami naalala." Pasigaw na saad ni Fritz.
Gulat na napatingin sya sa pinto ng makita ang limang kaibigan na bigla nalang pumasok sa opisina nya.
"What the hell? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?" Naka kunot ang noong bati nya sa mga ito.
"Simula ng bumalik ka, ilang araw na ang nakalipas ay isang beses ka palang nagpakita samin, kaya mas minabuti na naming puntahan ka. Pinag tataguan mo ba kami?" Saad ni James.
"Baka kasi nakakalimutan mong may mga kaibigan ka." Sunod na saad ni Andrew.
"Mga sira ulo! Mukhang di na naman kayo nakainom ng maintenance nyo at inaatake na naman kayo ng kabaliwan kaya ginugulo nyo ako." Asik nya sa mga ito.
"We're bored and work is done, kaya pinuntahan ka na namin." Saad ni Calix.
"Well, I’m just relaxing at my home ng tinawagan ako ng mga baliw na to, wala sana akong balak umalis ng bahay kaya lang sinundo din nila ako." Seryosong saad ni Andrew na pabagsak na umupo sa sofa.
"Yayayain ka sana naming lumabas, you know, same as before, Boy’s night out, ngayon na lang ulit tayo nakompleto dahil nandito na kayong tatlong lagalag." Saad ni James.
"Saan ba tayo?" Tanong ni Calix.
"Dun sa bar ni Andrew, Para libre naman ulit." Nakangiting sagot ni Fritz.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, ang dami mong pera pero ang kuripot mo, talo mo pa may asawa at mga anak ah."
"Ang sarap kaya pag libre. Sayang din yun eh."
"Anong libre? last time tayong lumabas, ako siningil nya sa bill natin, Mautak ang isang yan. Wala namang may birthday sa atin kaya pinabayaran nya." Saad ni Calix na binato ng nahawakan dyaryo ang kaibigan.
Nagtawanan silang lahat ng tamaan sa mukha si Andrew dahil hindi nito inaasahan ang ginawa ni Calix.
"Fine! My treat this time." Biglang sagot ni Blaze ng nagkakagulo na ang mga kaibigan.
"Yun naman pala eh." Masayang saad ni Fritz.
"Basta talaga pag libre ang bilis mong hayop ka." Saad ni Ruther.
"Syempre! Mas okey sana kung dun tayo sa cruise ship mo, Tara punta tayong Carribean, diba may pangako ka samin na ililibre mo kami." Nakangising saad ni Fritz.
"Bakit, may asawa ka na ba para ma claim mo yung free na yun? pang honeymoon package kaya yun."
"Pwede bang i advance ko na?"
"Ang alin? Mag aasawa ka na?"
"Hindi, yung honeymoon lang." nakangising saad ni Fritz.
"Ulol! Huwag ka ng umasa. Baka nga di na dumating ang araw na magamit mo yun." Natatawang saad nito na binatukan ang kaibigan.
Sabay sabay na nagtawanan silang lahat maliban kay Fritz.
"Thanks ah. Ang suportive nyo sa love life ko."
"Ang tanong may love life ka ba?" Pang aasar ni James.
"Life lang walang love." Natatawang hirit ni Calix na ikinatawa ulit nila.
"Shut up mother fuckers." Sigaw ni Fritz sabay taas ng middle finger nito.
"Mga baliw talaga kayo, mag silayas na nga kayo dito, ang gugulo nyo, susunod nalang ako dun." Saad nya sa mga ito.
"Tapos na office hours, nag uwian na nga mga empleyado mo pag dating namin, ikaw di pa uuwi? Sabay ka na samin." Saad ni Andrew.
"May mga pipirmahan pa kasi ako. Konti nalang to."
"Okey lang, aantayin ka na namin." Saad ni Fritz.
"Kayong bahala." naiiling na saad nya. Sanay na sya sa pagiging maingay at makukulit ng mga ito. Ganito sila madalas pag nagki kita kita at kumpleto ang barkada.
"Buti nalang may dala kaming pagkain." Saad ni Calix na binuksan na ang dalang pizza at soft drinks.
"Ilang taon kang di umuwi bud? Two years? Pero itong office mo walang pinag bago, di mo man lang naisip ipa renovate?" Saad ni James habang pinapalibutan ng tingin ang buong opisina nya.
"Actually, I’m thinking about that, nawala lang sa isip ko nung nasa abroad ako."
"Well, I can give you the best design you can choose."
"Sure!"
"Just tell me when you'll be available para papuntahin ko dito ang tao ko."
"Maybe next week. I'll just text you."
"Okey...well, i can give it to you for free service and all charge."nakangiting saad nito sa kanya.
"At ano naman ang kapalit?" Nakakunot noong tanong nya sa kaibigan.
"Buy a share in my company." Nakangising saad ni James.
"Diba bumili na ako dati?"
"Oo, pero iba pa ito, Binibenta kasi ng isang ingineer ko, i mean ex engineer dahil inalis ko na sya sa trabaho dahil naka away ko, nahuli kong nagbi benta ng mga designs namin sa kalabang kumpanya. Unfortunately, ayaw nyang ibenta sakin kaya ikaw nalang muna ang bumili. Hindi naman nya alam na kaibigan kita dahil nakilala ko sya nung mga panahong nasa US ka."
"Sige, walang problema."
"Thanks bud."
"You should make my office goddamn good for that."
"You bet for sure."
Mga bata palang sila ay magkaka ibigan na sila, classmates since kinder garten hangang makapag tapos ng high school. Nung college ay same school padin naman sila sa US pero magkakaiba ng course, kaya kilalang kilala na nila ang isat isa, parang magkakapatid nadin kasi ang turingan nila.
Lahat kasi ng mga kumpanyang pag aari ng bawat isa sa kanila ay sila sila lang din ang mga bumibili ng shares. Help each other. Brothers before hoe. Support each other. Brothers for keeps. One for all, All for one. Unbreakable brothers.
All of them are successful in their own businesses.
Andrew owns a Law firm and a bar.
Ruther owns a shipping company and some cruise ships sailing all over Asia, America and Europe.
Calix owns an accounting firm and convenience stores.
Fritz owns a cars and motors manufacturing company.
James owns a Design and Construction Firm.
Blaze owns a Digital marketing business and a Tech Company.
"I heard your new business in New York is doing good." saad ni Ruther habang kumakain.
"Yeah, medyo kailangan ko nga lang talagang tutukan dahil kakasimula palang."
"Damn man, we are all really into businesses, puro business nalang tayo. Wala bang may balak mag asawa satin?" saad ni Calix.
"Bat di ka mauna, tutal ikaw naman naka isip at pinaka matanda sa ating lahat." pang aalaska ni Fritz.
"Ulol! Matanda ka dyan, baka nakakalimutan mo magkaka edad lang tayo, dalawang buwan lang ang pagitan sa mga birthdays natin........ What I mean is, sino ba sa atin ang may love life? wala diba? unless may itinatago kayo na di nyo sinasabi?"
Sabay sabay na nagsipag iling ang lahat ng mga kaibigan nya.
"See? That’s what I’m saying. We have all the girls in our life but none of them make us wanna settle. They are just flings, bed partners, in short just lust."
"So, what’s your point?" naguguluhang tanong ni James habang kumakain ng pizza.
"My point is, are we still stuck with what happened four years ago?"
Lahat sila ay nanahimik at nagtinginan nalang sa isat isa.
*************************
Madami na ang tao sa bar ni Andrew ng dumating sila, dumeretso agad sila sa VIP lounge na nakalaan sa kanila. Naka handa na ang mga alak nila at sunod sunod ng dumating ang mga waiters dala ang mga orders nilang pagkain.
"Cheers guys! Masaya akong magkakasama ulit tayo." Sigaw ni Fritz.
Sabay sabay naman silang nag taasan ng baso at boteng hawak.
Nagki kwentuhan sila habang kumakain. Pagkatapos ay napag disisyunan nilang lumabas at dumungaw sa mga nagsasayaw sa baba, nasa second floor kasi sila.
"Himala, di ata kayo excited mang chicks hunt ngayon fritz and calix?" Nakangiting saad ni James.
"Nagbago na ko. Good boy na kaya ako." Saad ni Fritz
"Oo nga pala, stick to one girl ka nalang. Pinatulan ka na ba?" Nang aasar na saad ni Andrew.
"Hahaha! ingat brod, siguradong babalatan ka ng buhay ng pamilya nun." Dagdag naman ni Calix.
Kita nyang natigilan si Fritz at mukhang nailang sa topic ng tingnan nya. Umiwas pa ito sa tingin nya.
Something is wrong with this man. saad sa isip ni Blaze
Ilang minuto pa silang tumitingin lang sa mga nagsasayaw ng magdisisyon silang pumasok ulit sa vip lounge at doon nagsimulang mag inuman ulit.
"Sya nga pala, matanong ko lang ah, since kayong tatlo, Blaze, Fritz and Ruther ang matagal nag stay sa US, bumalik pa ba kayo sa bar na yun?" Biglang tanong ni Andrew.
Natahimik silang lahat at nagtinginan. Few years ago, magkakasama silang lahat na magkakaibigan na nagpunta dun para mag enjoy. That’s they're first time in that bar. Pagkapasok palang nila ay pinagkaguluhan na sila ng mga kababaihan, but they end up meeting some mysterious girls. Thats the time they think they're life change just a snap and until now, it haunting them.
"We did." Sagot ni Ruther.
"But never saw any one of them." Dugtong ni Fritz. "How the hell will we know them, It’s a masquerade party. No one of us saw they're bare face, I can remember her voice, smell and body but never saw her face."
"Deym! Since that night, hindi na maalis sa isip ko ang babaeng yun." saad ni Andrew.
"Lahat tayo ganun ang nangyari. It’s like they bewitch us." naiiling na saad ni Calix.
"Kahit sinong babae ang kasama ko, hindi ko maiwasang isipin sya. Years had passed ang still hinahanap parin natin sila." saad ni James.
"The funny part is, we just talk and dance that time, well, the kiss and hugs but thats all. We never end in bed, Pero bat parang pakiramdam natin, its more than that." natatawang saad ni Ruther.
"Baka dahil hindi natin naikama?" sagot ni Fritz.
"Bro, we know it’s more than that. Like we want to know them more, but they just left. We only know they're names but not even the surnames, we dont even know if thats their real names. Kahit ipahanap pa natin sila, it’s like looking for a needle in a haystack." saad ni Andrew.
"Damn! Who would have thought that we will feel this? I can’t believe this." Natatawang saad ni Blaze pagkatapos uminom ng alak.
"What if, nakakasama na pala natin sila, that they might be around us pero di natin alam?" Seryosong saad ni Fritz.
"Do you think they won’t approach us if thats happened. We remove our f*****g mask so that they can see us pero kung kelan haharap na tayo sa kanila bigla naman silang nagsi alisan. Lahat sila sabay sabay na nagmamadaling umalis. Ni isa sa atin wala man lang nakapigil sa mga partners natin. What? are they friends who made fun of us?" Naiiling na saad ni James.
"f**k! Baka nga pinag tripan lang tayo ng mga yun. We should forget them and move on. Life is so good, lots of girls around waiting for us." Saad ni Calix sabay taas ng baso."
"Yeah!" sabay sabay na saad nila habang nakatass din ang mga baso ng alak.
"Sa tingin nyo, sino sa atin ang unang mag aasawa?" Biglang tanong ni Ruther ng matahimik silang lahat.
"Bakit mo naman natanong?" Saad ni James
"Well, I just received a call from my mom and shes asking me to settle down. She’s planning to arrange a date for me and her best friend's daughter. Wala naman daw kasi akong pinapakilalang girlfriend sa kanila. Hindi naman sa ayaw kong mag asawa pero hindi ko pa nakikita ang babaeng papakasalan ko." Sagot ni Ruther
"O baka nakita mo na, bigla nga lang nawalang parang bula." Nakangising saad ni Fritz.
"Sira ulo. Siguro ikaw yun, kaya lang siguradong mahihirapan ka, baka di ka pumasa." makahulugang sagot ni Ruther na tumawa pa, dahilan para sumama ang tingin ni Fritz dito.
"Ganyan din ang kinukulit sakin ng mga magulang ko, Im not getting any younger daw. Akala ba nila ganun kadali mag asawa?" Natatawang saad ni Andrew.
"Same here, siguradong kukulitin na naman ako ng parents ko pag uwi ko this weekend. Actually, I’m ready to settle down, Im just looking for the right woman." Saad ni Blaze.
"Wow! Bago yan ah.... The high almighty Blaze is ready to tie the knot...." natatawang saad ni Fritz.
"Lahat naman ata tayo. i mean, ewan ko lang sayo Fritz, baka mapikot ka sa sobrang pagiging maloko mo sa babae." natatawang saad ni Calix.
"Mga brader, alam na alam nating lahat na makaka buntis tayo kung gusgustuhin natin pero hindi tayo mapipikot. Baka tayo pa mamikot." Nakangising saad ni Fritz.
Sabay sabay silang nagtawanan sa sinabi nito.
"Haist! Sa tingin nyo kung hindi tayo iniwan ng mga babaeng yun that night, baka may asawa at mga anak na tayo ngayon?" Seryosong tanong ni James.
"Who knows." Saad ni Calix.