CHAPTER 15 Ashero’s POV Sa sandaling sinabi ni Mae na mahal niya ako, para akong nakalutang. Para akong nabigyan ng pangalawang buhay matapos ang sunod-sunod na operasyon sa ospital. At hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko siya palapit at hinalikan. Ang tamis. Ang lambot. Tangina, ito ‘yung hinahanap ko. Noong una, ramdam ko ang pag-aalangan niya, pero nang gumalaw ang labi ko sa ibabaw ng kanya, unti-unti siyang bumigay. Sinagot niya ang halik ko—at doon, tuluyang naglaho ang lahat ng alinlangan. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya, pinaangat nang bahagya para mas mapalapit pa sa akin. Parang hindi ko siya kayang pakawalan. "Hmmm…" Napaungol siya nang marahan, at halos mabaliw ako sa tunog na ‘yon. Mae… tangina, hindi mo alam kung gaano mo ako tinutukso. Naghiwalay lang

