CHAPTER 46 ASHERO’S POV Lumipas na ang buwan. Linggo. Araw. Oras. Minuto. Pero ni anino ng mga anak ko, wala akong nakita. Ni si Mae… Diyos ko, ni balita tungkol sa kanya, wala. “Damn it!!!” sigaw ko habang sinisipa ang isang flower vase na nasa hallway ng mansion. Sumabog ito sa sahig, nagkalat ang bubog, pero wala akong pakialam. “Ano pa bang silbi ng mansion na ‘to kung wala naman sila dito?!” Kumunot ang noo ng ilang kasambahay pero agad silang nagsitakbuhan palayo. Kilala nila ako kapag wala sa sarili — hindi lang ito simpleng galit, kundi pagkawasak. Ang sarap ilabas sa mga gamit ang sakit sa dibdib ko. Sinuntok ko ang salamin sa gilid ng hagdan, at nang masira ito ay binalot ng dugo ang kamao ko. “Arghhh!” Dumating si Tanya sa doorway, namumutla, pero hindi ako pinansin. H

