CHAPTER 32 Mae’s POV Nakahiga ako sa kama habang hinihimas ko ang aking lumalaking tiyan. Halos pitong buwan na rin akong buntis, at ramdam ko na ang bigat ng apat na munting anghel na nasa loob ko. Sa kabila ng hirap, masaya ako dahil kasama ko ang pinakamamahal kong si Ashero na walang sawang nagaalaga sa akin. Bigla na lang siyang pumasok sa kwarto, dala ang isang tray na may baso ng gatas at tinapay. Ngumiti siya at lumapit sa akin. "MyLoves, anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita," tanong niya habang inilalapag ang tray sa gilid ng kama. Napangiti ako. "Hmm... gusto ko ng sinigang na baboy, pero gusto ko ‘yung sobrang maasim!" Natawa siya. "Sige, para sa’yo, gagawin ko ‘yan." Agad siyang lumabas ng kwarto para magluto. Habang naririnig ko ang kaluskos niya sa kusina, parang n

