CHAPTER 29 Mae’s POV Natawa na lang ako sa reaksyon ng asawa ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pinaghalong pagod, gulat, at pagsuko, pero sa dulo, alam kong wala siyang ibang gagawin kundi ang sundin ang gusto ko. Umupo ako sa tabi niya at sinandalan ang balikat niya habang kumakain ng Maldives Tuna na buong effort niyang dinala mula sa kabilang panig ng mundo. "Mahal, bakit parang latang-lata ka?" tanong ko habang nagpapak ng sashimi. Bumuntong-hininga siya. "Eh kasi naman, Mahal. Ilang oras akong naglakbay para sa Maldives Tuna mo, tapos ngayon, gusto mo pa ng sea grapes galing Palawan?" Napatawa ako. "Hmm… nagbibiro lang naman ako, myloves. Ikaw talaga, konting asar lang, seryoso agad." Napatingin siya sa akin, parang hindi makapaniwala. "So, hindi mo talaga gusto ng sea grape

