Meet

1730 Words
CHAPTER 1 MAE’S POV Sa isang marangyang charity gala na puno ng maharlikang bisita, chandeliers na kumikinang sa bawat sulok, at musika ng isang live orchestra na naglalangkap ng elegansya at prestihiyo, walang sino mang makakapansin sa isang simpleng waitress na tahimik na naglalakad sa pagitan ng mga mesa. Ako si Joanna Mae Gomez, beinte-siete anyos, at ngayong gabi, isa na namang gabing pagpapatunay kung gaano ako kaliit sa mundo ng mga makapangyarihan. Hawak ko ang tray na may mamahaling wine, ang dating ng suot kong itim at puting uniform ay parang isang batik sa napakaputing kapaligiran. Hindi ako nababagay dito, pero trabaho ko ‘to. At sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang bigat ng tingin ng mga taong hindi man lang ako pinapansin. Sa totoo lang, ayoko nang maghintay ng gala na ‘to. Kung pwede lang sana na hindi ako andito. Pero wala akong choice. Kailangan kong mabuhay. "Excuse me, miss. I need more wine," sabi ng isang matandang lalaki, mukhang pulitiko base sa suot niyang mamahaling suit at sa kapal ng hikaw ng babaeng nakasandal sa braso niya. Napakagat ako sa labi at marahang tumango. "Yes, sir." Hindi ko na inintindi kung gaano sila ka-intimate. Hindi ko rin pinansin ang malagkit na tingin ng lalaki sa akin habang inaabot ko ang wine glass. Pakiramdam ko, isa lang akong bahagi ng engrandeng dekorasyon ng gala—hindi mahalaga, hindi kailangang bigyan ng pansin. "Uy, Mae!" Napalingon ako sa kabilang side ng ballroom. Si Carla, isa ko pang kasamang waitress, mukhang iritado habang nakatingin sa direksyon ko. "Ikaw raw ang nag-assigned sa table ni Dr. Guil. Paki-atendan na, girl, please, before he flips out." Napatigil ako. "Sino?" tanong ko, medyo kinakabahan. "Si Dr. Ashero Guil, duh? Hindi mo siya kilala? Isa siya sa pinakakilalang surgeon sa bansa. Napakayaman, pero napakayabang. Diyos ng operating room, pero demonyo sa ugali." Napasinghap ako. Narinig ko na ang pangalan niya. Maraming beses na. Kilala siya bilang isa sa pinakamagaling na doktor sa bansa, pero kasabay ng husay niya ang malupit niyang ugali. May ilang pasyente siyang halos sumuko sa takot dahil sa tapang ng dila niya. At ako ang in-assign sa mesa niya?! "Bakit ako?" tanong ko, ramdam ang kaba sa dibdib. "Ewan! Baka trip ni Boss! Sige na, lapitan mo na siya bago pa tayo masermunan." Napabuntong-hininga ako. Ang malas ko talaga ngayong gabi. Dahan-dahan akong lumapit sa mesa kung saan naroon si Dr. Ashero Guil. Kahit nasa likod pa lang ako, ramdam ko na ang aura niya. Dominante. Nakakatakot. Para siyang hari sa sariling kaharian, at lahat ng tao sa paligid niya ay mga alipin lang. Pinilit kong hindi manginig ang kamay ko habang inilapag ang wine sa harapan niya. "Good evening, sir. Would you like more wine?" tanong ko nang magalang. Mabagal siyang tumingin sa akin. Para bang sinusuri niya ako, mula ulo hanggang paa. "You’re new," malamig niyang sabi. Napalunok ako. "Matagal na po akong nagtatrabaho rito, sir." Umangat ang kilay niya. "Really? Then why do you look so... out of place?" Parang tinusok ng karayom ang pride ko. Ang kapal ng mukha niya! Pero hindi ko puwedeng sagutin ng bastos ang isang tulad niya. "I apologize if I seem out of place, sir," sabi ko, pilit ang ngiti. "Pero trabaho ko pong maglingkod dito." Hindi siya sumagot. Inabot lang niya ang wine glass at uminom. Sa ilang segundo, parang hindi niya ako nakikita. Para bang hangin lang ako sa harapan niya. Akala ko, tapos na ang lahat. Pero hindi. Bigla siyang nagsalita. "Do you like your job?" Napatingin ako sa kanya, nagulat sa tanong. "Sir?" "I asked you, do you like your job?" ulit niya, binaba ang baso at tumingin sa akin na parang may binabalak. Ano bang klaseng tanong ‘yan? Gusto ko ba ang trabaho ko? Gusto ko bang magpaalila sa mga mayayamang bisita na tulad niya? Gusto ko bang masaktan ang pride ko gabi-gabi? Pero hindi ko kayang sabihin ‘yon. "It pays the bills, sir." May isang segundo siyang hindi sumagot, pero ngumiti siya—ngiti na hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin. "Honest. I like that." Parang kumulo ang dugo ko. Hindi ko alam kung insulto ba ‘yon o papuri. Napatingin ako sa paligid, at doon ko lang napansin na maraming mata ang nakatingin sa amin. Hindi lang mga bisita, kundi pati ang ibang waitress. May ibang babae pang mukhang naiinggit. Bakit? Kasi kahit masungit at arogante si Dr. Ashero Guil, hindi maikakaila—napaka-gwapo niya. At hindi lang ‘yon. Mayaman, matalino, at successful siya. Ang tipo ng lalaking pinapangarap ng marami. Pero hindi ako isa sa kanila. Kaya kahit parang nanginginig ang tuhod ko sa presensya niya, pilit kong pinanatili ang composure ko. "May kailangan pa po ba kayo, sir?" tanong ko. Pinagmasdan niya ako sandali bago umiling. "Wala na. You can go." Tumango ako at mabilis na lumayo. Pero habang lumalakad ako pabalik sa station namin, hindi ko maiwasang isipin ang kakaibang tingin niya sa akin. Para bang alam niya ang isang bagay na hindi ko pa alam. At sa kung anong dahilan, biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Kahit hindi ko pa alam, pakiramdam ko— Simula pa lang ito ng isang bagay na hindi ko kayang kontrolin. At sa hindi maipaliwanag na dahilan... Pakiramdam ko, ikakapahamak ko ito. Sa halip na makihalubilo sa mga panauhing nagkakasiyahan, nagbabasaan ng kanilang mamahaling alak, at nagpapataasan ng ihi sa kung sino ang pinakamayaman, heto ako—isang waitress na walang choice kundi maglingkod sa kanila. Nagsisilbi. Naglilinis ng baso. Tinitiyak na perpekto ang bawat detalye ng gabi. At, siyempre, pilit na nilulunok ang lahat ng pambabastos at pangmamaliit na parang wala lang. Putangina. Pilit kong pinakalma ang sarili ko habang dinadampot ang ilang basong naiwan sa isang mesa. "Miss, miss!" Napalingon ako sa isang babae—isang socialite na halatang nakainom na. Naka-red silk dress siya na hapit na hapit sa katawan niya, at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ko nang maldita siya. "Yes, ma’am?" tanong ko, nginitian siya nang magalang kahit gusto ko siyang tadyakan. "Ang bag ko! Gucci ‘yun, ha! Nilapag ko lang dito kanina, asan na?!" reklamo niya, ang taas ng boses, parang gusto niyang ipahiya ako. Napatingin ako sa lamesa. Wala talagang bag. Pero hindi ibig sabihin ako na ang may kasalanan, ‘di ba? "Baka po nailagay niyo kung saan, ma’am?" mahinahon kong sagot. "Anong baka? Are you saying I lost it?!" Singhal niya, tapos biglang tumingin sa kaibigan niyang mukhang model. "Omg, girl, baka ninakaw na!" Putangina talaga. Nararamdaman ko nang unti-unting dumadami ang mga tingin sa amin. Ilang bisita ang nagbulungan, ang iba mukhang interesado sa drama. Gusto kong huminga nang malalim. Pero hindi puwede. "Ma’am, baka po may nakakita? Pwede po nating ipahanap—" "Ikaw ang may hawak ng tray, ‘di ba?!" sabat ng socialite. "Diyos ko, baka ikaw ang kumuha!" Nanigas ang katawan ko. "Excuse me?" Hindi ko napigilang umangat ang kilay ko. "Huwag kang defensive!" Tumingin siya sa paligid, at mas lalo niyang nilakasan ang boses. "Baka may iba pang nawalan dito! Sino ba nag-hire sa mga staff na ‘to? May background check ba kayo? Baka naman magnanakaw kayo!" Tangina. Hindi ko na ‘to kaya. "Ma’am, hindi ko po kinuha ang bag niyo," madiin kong sabi, kahit gusto kong murahin siya sa harap ng lahat. "Kung gusto niyo po, ipahanap natin sa security—" "Security?!" natatawang sabi ng babae. "Ano ‘to, palengke? No! Hindi ako papayag na mawala ang bag ko!" Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung uunahin ko ang inis ko o ang hiya na nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ganito? Hindi ko naman kasalanan, pero parang ako pa ang masama. Sa gilid ng mata ko, napansin kong may isang lalaking nakatayo sa malapit. Siya. Si Dr. Ashero Guil. At putangina—nakatitig siya sa akin. Walang ekspresyon sa mukha niya, pero hindi niya inaalis ang tingin niya. Napahigpit ang hawak ko sa tray. Ayoko ng eksenang ganito. Lalo na kung may isang Ashero Guil na nanonood. "Excuse me," may biglang boses na pumasok sa eksena. Isang waiter. "Ma’am, may nakapulot po ng bag niyo sa restroom. Mukhang nakalimutan niyo lang po doon." Natigil ang babae. Tapos, bigla siyang namutla. "Ha?" Napahawak siya sa noo niya. "Oh my god, baka nakalimutan ko lang...?" Tahimik ang buong paligid. Ilang bisita ang napailing. May iba pang halatang naiinis dahil sa walang kwentang eksenang ginawa niya. Tumingin siya sa akin, pero hindi siya humingi ng sorry. "Ahm, well... whatever," sabi niya, sabay irap. "Hindi mo pa rin ako natulungan agad. So, yeah, bad service." Putangina. Kailangan ko talagang pigilan ang sarili ko. "I’m sorry, ma’am," sagot ko kahit gusto kong ibato sa mukha niya ang tray ko. "Pasensya na kung hindi ko agad nahulaan na iniwan mo lang pala ang bag mo sa banyo." Narinig ko ang ilang mahihinang tawa sa paligid. Yung iba, obvious na kinikilig sa pagsusuplada ko. Pero wala na akong pakialam. "Ugh, rude!" sabi ng babae bago siya lumakad palayo kasama ang kaibigan niya. Huminga ako nang malalim. Lumingon ako sa paligid para hanapin si Dr. Ashero Guil. Pero wala na siya roon. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit parang biglang gumaan ang pakiramdam ko nang mawala siya sa paningin ko. Napailing ako. Bakit ko ba pinapansin ‘yon? May mas mahalaga akong isipin. Tulad ng pag-uwi mamaya. Tulad ng pagbabayad ng renta. Tulad ng— "Miss." Nanigas ako. Dahan-dahan akong lumingon. Nandiyan siya. Si Dr. Ashero Guil. Hindi ko alam kung saan siya galing, pero ngayon, nasa harapan ko na siya. Nakatingin sa akin na para bang may kung anong iniisip. "Dr. Guil," sabi ko, pilit na kalmado ang boses. "May kailangan po ba kayo?" Tumitig lang siya sa akin. Shit. Bakit parang nababasa niya ang utak ko? "You handled that well," sabi niya, walang emosyon. Hindi ko alam kung insulto ‘yon o papuri. "Thank you, sir," sagot ko, hindi sigurado kung dapat ba akong matuwa. Tahimik lang siyang nakatitig sa akin. At sa kung anong dahilan, parang biglang uminit ang buong katawan ko. Tama ba ‘to? Tama bang makaramdam ako ng ganito habang kaharap siya? Shit. Ano ‘to? Bakit parang ang dami kong mararamdaman? At bakit parang— Bakit parang ngayon lang ako nakakita ng lalaking kayang guluhin ang buong mundo ko... sa isang tingin lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD