βββββ¦β’β©β’β¦ββββ Valentine's Day, tahimik lang si Kimie na naglalakad-lakad sa loob ng kanilang hacienda. Bukas pa ang balik nila ng Manila at ngayon ay tahimik lang siya dahil kahit isang tawag mula kay Rouge ay wala siyang natatanggap. Masama ang loob niya. Sinubukan kasi niyang tawagan si Rouge, pero isa man sa kanyang tawag ay hindi nito sinagot. "Bakit nag-iisa ka diyan? Hindi mo pa rin ba makontak ang boyfriend mo?" Hindi niya pinansin si Lhezel. Masama ang loob niya at pilit niyang pinipigilan ang mapaluha. Pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili na baka busy lang si Rouge kaya hindi nito magawang bumati man lang sa kanya ngayong valentine's day. "Huy! Huwag kang ganyan. Buntis ka, baka naman mapabilis ang panganganak mo. Baka busy lang 'yung nobyo mo sa Davao kaya hindi ka niya m

