❀⊱Kimie's POV⊰❀ Bwisit! Nakakainis talaga ang lalaking ‘yon! Ang sabi niya, susuyuin niya ako, babawiin niya ang tiwala ko, at gagawin ang lahat para patunayan na mahal niya ako. Pero anong ginawa niya? Huh! Pagkatapos nang concern ko sa kanya na baka mahulog siya kahapon sa puno ng buko, heto at may babae na siyang kasama sa resort nila? Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! Wala ba siyang kahit konting hiya? Nakakainis! Nasaan na 'yung paiyak-iyak niya? Hindi ba siya nahihiya na buntis na ako, pero nilalandi pa niya ang Nicole na 'yon? Ang kapal ng mukha talaga ng lalaking 'yon. Ibinagsak ko ang phone ko sa kama at maingat akong nahiga, pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata, pero kahit anong pilit kong ipikit ang mata ko, hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. 'Yung kamay

