❀⊱Kimie's POV⊰❀ Nakaharap ako sa salamin. The large bruise Phoebe left on my face is almost completely fading now. Hinimas ko ang kaliwang pisngi ko, inalala ko ang mga salitang binitawan niya sa akin. Tatlong araw na rin naman ang lumipas, pero parang kanina lang nangyari at parang dinig na dinig ko pa ang mga sinasabi niya tungkol kay Rouge. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi niya? Dapat ko nga bang isantabi ang mga binitawan niyang salita sa akin? Hindi ko alam, parang ang bigat sa isipan ko na balewalain ang mga sinabi niya. Kinausap ako ni Rouge, sinabi niya sa akin na walang katotohanan ang mga sinabi sa akin ni Phoebe. Pero bakit sa sulok ng isipan ko, gusto kong paniwalaan ang sinabi ng babaeng 'yon? Kahit sinabi ko kay Rouge na ka

