┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Sakay ng kabayo ay mabilis na kinakarera ni Rouge and isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang bodyguards na hindi siya iniiwanan kahit na saan siya magpunta. Ganito siya magpalipas ng kanyang oras kapag may malalim itong iniisip. Halos dalawampong minuto rin ang lumipas at nagsimula ng magbagal ang sinasakyang kabayo ni Rouge. Hinayaan naman siyang mapag-isa ng kanyang bodyguard at huminto ito sa hindi kalayuan kay Rouge. Bumaba si Rouge ng kanyang kabayo at saka niya ito itinali sa isang puno, pagkatapos ay naglakad ito ng ilang hakbang at naupo sa isang may kalakihang bato habang pinagmamasdan ang daloy ng tubig sa batis. Kagabi pa siya tinatawagan ni Phoebe, pero isa man sa mga tawag nito ay hindi niya sinasagot. Gustuhin man niya, pero hindi niya magawang sagutin. Tu

