┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Tahimik ang lahat. Nakatayo ang lahat ng contestants at naghihintay lamang sa magiging desisyon ng mga hurado. Si Dazzle, Darwin at si Rouge ay hindi nakikialam, pero panay ang sulyap nila sa mga hurado. "Siguraduhin ninyo na maging patas kayo sa magiging desisyon ninyo. Ayoko nang may pinapanigan, dapat alam ninyo sa sarili ninyo na kaya kayo kinuhang hurado ng isang event na ganito ay dahil nagtitiwala sila sa inyo. Kung sasamahan ninyo ng pandaraya ang simpleng patimpalak na ito, huwag kayong umasa na may magiging magandang resulta ang gagawin ninyong pandaraya." Sabi ni Dazzle. Hindi man ito nakatingin sa mga hurado, pero sinigurado niya na narinig nang mga ito ang kanyang sinabi. "Huwag mong masyadong takutin." Bulong ni Darwin kaya natawa si Rouge. "I can sense so

