┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Madilim na sa labas pero nandito pa rin sa garden si Rouge at naninigarilyo, hindi pa niya pinupuntahan si Kimie sa kanilang silid, tahimik lamang siya dito na nagpapahangin at nag-iisip ng malalim. Nilapitan siya ng kanyang ama at inabutan siya ng isang beer. Nagulat pa ito pero agad din naman niya itong tinanggap. "Ang lalim naman yata ng iniisip ng aking anak. May problema ka ba? Pwede ka namang magsabi sa akin kung may mga bumabagabag sa iyong isipan." Umiling si Rouge at ngumiti. Inilapit niya ang bote ng beer sa kanyang ama at pinag-untog nila ang mga boteng hawak nila. Pagkatapos ay agad niyang tinungga ang laman ng bote habang ang isipan niya ay kung saan-saan na yata nakarating. Humugot si Rouge ng malalim na paghinga at saka niya hinitit ang kanyang sigarilyo

