Carmella POV "Hindi ka naman nagpapasaway diyan?" "Hindi po ate. Mabait nga po ako eh." napangiti ako. Kasalakuyang nasa balkonahe ako dito sa kwarto at ninanamnam ang malamig na hangin. Nakasuot ako ng maluwang na printed na puting tshirt at pajamas. Ilang minuto narin kaming nag-uusap ni Kiko at marami parin itong nakwekwento sa akin hanggang sa narininig ko ang paghikab niya sa kabilang linya. Gabi narin kasi. "Tatawag ulit ako bukas kapag wala ng gagawin si ate ha? I love you bunso." "I love you ate. Kakausapin ka pa daw po ni ate Abby." at narinig kong binigay niya agad ito. "Kamusta? Wala namang kakaibang tao diyan?" tanong ko agad. Nang malaman ko kasi ang impormasyong iyon ay tinawagan ko agad sila at naging alerto naman si Abby at Georgia sa pagbabantay kay Kiko. "Wala nam

