Chapter 7

3140 Words
"Carmella anak." Tawag ni manang Luz. Nasa kusina ako ngayon at abalang naghahanda ng mga iluluto para sa tanghalian. "Bakit po?" Tugon ko. "Bumili kasi ako ng memeryandahin ng mga trabahador sa farm. Pinabili iyan ni mam imelda kaso walang makakaharap ng idala doon. Maari mo bang idaan nalang mamaya anak kapag uuwi kana?" Panghihiling niya na kinatango ko namang nakangiti. "Sige po manang. Saglit lang naman pong iluluto ang mga ito." Aniya ko. "Baunan mo narin si sir Bry at mukhang napasarap nadin ang pamamalagi niya doon at hindi na nakauwi kanina." Imporma ni manang. Awtomatiko akong napangiti ng marinig ang pangalan niya na agad ko ring binawi. Halos hindi ko na nga matulugan kagabi ang sinabi niya. Yung "soon" na sa isip mo ay iisa lang ang pinapahiwatig. Yung higpit din ng hawak niya sa kamay ko na parang ayaw akong mawala sa tabi niya. Gusto ko man na burahin ang ibang ibig sabihin non sa akin pero parang iba ang dating at binubuhay ulit ang natutulog kong nararamdaman. I shook my head realizing that I'm smiling again. Overthinking pa Carmella. Kaya ka madaling mafall ehh. "Anong oras po siya umalis manang?" Tanong ko habang tinutuloy kong tapusin ang mga iluluto kong gulay at karne. "Maaga, mukhang nagkasalisihan nga kayo eh." Sambit niya at kinatango ko nalang hayag na naiintidihan ko siya. "Bigla po atang napapunta po siya ng farm ng ganun kaaga?" Kuryuso kong tanong. "Kinausap kasi siya ni mam imelda noon na tulungan muna si Ador habang andito siya kaso saglitan lang pala at nadadaan lang ang sir doon sa farm. Hanggang nagkaproblema ata kaya nangako siya na aayusin niya ngayong araw." Kwento ni manang. Kung alam lang nila sa bahay lagi siya namamalagi. Hay naku Bry. Pasaway ka din minsan. Tinapos ko na lahat ng gagawin at maghahatid na ako ng meryenda at baon. "Alis na po ako manang." Paalam ko. "Mag ingat ka anak."sagot ni manang at tuluyan na akong lumabas ng mansyon. Sa halos magdalawang buwan na pamamalagi ko dito ay hindi pa ako nakakapunta sa farm ng Salvador. Balita ng iba na napakalawak at maunlad ito sa negosyo nilang mga taniman ng mais, tubuan, palay at mga alagang hayop. Hindi nga maitatanggi na sobrang yaman nila. Akala ko noon sa farm ay bukid lang ang meron pero maitutulad ko na itong parang hacienda sa lawak at sari saring makikita doon. Farm lang ang nakagawiang itawag dahil dun din daw nagsimula bago ito umunlad. Sa sobrang pag iisip ko ng bagay bagay ay hindi ko napansin na nakarating na pala ako. Nagtrycicle na ako kasi mas alam nila ang lugar patungo dito. "Bayad po." Abot ko at agad naman tinanggap. Bumaba ako at pinagmasdan ang paligid. Walang kabahay bahay kundi mga puno lang ang mga makikita dito. Makikita mo rin ang medyo kataasang pader na nagsisilbing bakod na waring sinusukat ang kalawak ng pag mamay ari nila at mga alambre sa taas na nagsisilbing harang sa mga magbabalak na umakyat at pumasok na walang paalam. Pumasok ako sa loob at nakita ko ang isang malaking bodega na kung hindi ako nagkakamali ay doon nila iniimbak ang mga na aning palay, tubo at mais. May sarili din silang kiskisan. Sa di kalayuan naman ay makikita naman ang mga hayop na may sari sariling mga tahanang lalagyan. Ang mga baka ay masiglang kumakain ng damo sa malawak na damuhan at ganun din ang mga kambing at tupa. May poultry house naman silang nakahiwalay na pinagkakaabalahan ding inaalagaan ng ibang trabahador doon. Tiningnan ko ang dalawang malalaking basket na hawak na puno ng suman at kakanin. May kabigatan din pero nakaya ko namang buhating sabay habang sabit sa balikat ko ang isang market bag na naglalaman ng baon ni Bry. "Carmella!" Tawag ng isang lalake na sa palagay ko ay dito rin nagtratrabaho. Binaba ko ang mga dala kong basket at hinarap siya. "Kilala mo ako?" Takang tanong ko. "Oo naman. Sa Bar kita unang nakita, kaso nga lang ay si sir Bry ang una mong napansin." Kwento niya sabay hawak sa batok na waring nahihiya pa. Natawa ako sa itsura niya. Kung tutuusin ay may itsura din siya. Matangkad, moreno. Bagsak ang itim ng buhok at may dimple din sa magkabilang sulok ng labi na nagpapakita kapag nakangiti o nagsasalita. With black and blue stripes color ng long sleeve na pinaresan sa faded jeans na butas butas sa may tuhod at tsinelas ay hindi maitatanggi na magandang lalake parin siya. "Bricks pala kung di mo tatanungin ang pangalan ko. Bricks Gim Sanchez." Pakilala niya sa sarili saka inilahad ang kamay. "Carmella Gail Santos." Pagpapakilala ko rin at tinanggap ang kamay niya. "Tulungan na kita diyan at mukhang mabigat pa man din." Pagpriprisenta niya. Binuhat niya at biglang tumingin sa akin. "Naku mabigat nga! Bakit di ka nagtawag kanina nung dumating ka." Saad niya na parang nanghihinayang na di ako natulungan. "Ok lang. Kaya ko naman eh." Sagot ko. "Pero hindi ka dapat nagbubuhat ng mabigat. Next time kapag pupunta ka dito na may ganitong kabibigat na bubuhatin, tawagin mo ako." Aniya niya na parang nanenermon. "Masusunod po." Sagot ko na kinailing niyang natatawa. Pagdating namin sa isang may kalawakang kubo ay nilapag niya ang mga basket doon saka tinawag ang mga kasamahan nila na sa tingin ko ay nasa trenta ang namamalagi dito at nagtratrabaho. "Nasaan si Bry?" Tanong ko kay Bricks habang hinahanap siya ng mata ko sa paligid. "Si sir Bry?" Pag uulit niyang tanong. "A-ah oo, si sir Bry." Pag uulit ko rin. Nasanay kasi akong tawagin siyang Bry lang na hindi ginagamitan ng sir sunod sa pangalan niya. "Nasa office ata. Kasama si boss at yung apo niya na taga manila." Imporma niya. "Umalis saglit si boss. Si sir Bry at si miss elena lang nasa office ngayon." Singit naman ng isang trabahador na busy sa pagkain ng kakanin. Elena? Hindi ba siya yung babaeng lumapit kay Bry kagabi? Para akong ginapangan ng kakaibang pakiramdam na hindi ko lubos masuri kung ano ang tawag doon. "Naku. Malakas talaga ang hila ni sir Bry at siya talaga ang nilalapitan ng babae ano?" Hayag ng isa na ikanatawa ng iba. "Maganda rin naman si Miss Elena kaya swerte narin nila sa isa't isa kapag sila ang nagkatuluyan. Magandang lahi ang siguradong labas niyan." Bulalas ng isa na kinatawa ulit ng iba. "Kung sila magkakatuluyan ay nakuu, dadami ang magagandang lahi dito sa Barangay poblacion!" Tuloy na isa pa nilang kasama. "Mabuti pa at ihanapan nalang muna natin ng aasawahin si Mang Lando nang mabinyagan naman siya!" Pag iiba ng isa na kinatawa ng lahat sabay tingin sa Mang Lando na binanggit na ngayon ay iiling iling na natatawa. "Matanda na ako. Wala nang maliligaw sa akin. Panatag ako na mamamatay na mag isa sa buhay." Saad niya. "Hindi ka tatanggapin sa langit kapag di ka binyag Mang Lando." Biro ng isa na kinatawa na naman ng lahat. Kung titingnan ay wala pa sa 70 ang mukha ni Mang Lando bukod sa malakas at may konting kakisigan pa ang katawan. Medyo kita ang katandaan sa mukha pero hindi sa katawan at kaya pang makisabay sa mga kalalakihan ng kasama niya dito. "Tanungin naman natin si Bricks na parang may binabakuran na ngayon." Aniya ng isa kaya lahat ay napatingin sa aming dalawa na ngayon ay magkatabi sa isang mahabang bangko. "Huwag kayong hayag masyado at baka matakot ang dalaga."singit ni Mang Lando at tiningnan ako." Ano ang pangalan mo iha?" Tanong niya sa akin. "Carmella po." Magalang kong pagpapakilala. "Singer po iyan!" Sigaw ng isa na sa tingin ko ay kaedad lang ni Bricks. Medyo singkit ang mata at mas maputi kesa kay Bricks. Napatingin silang lahat sa akin. "Singer ka nga ba iha na gaya ng sabi ni Jeloy?" Manghang tanong ni Mang Lando. Nahihiyang tumango ako. "Naku, sample nga diyan!" Aniya ng isa. "Sa susunod na po iyan at naghatid lang siya ng meryenda sa atin." Pigil ni Bricks pero narinig ko ang pagreklamo ng iba. "Oo nga naman, aawitan niya tayo sa susunod na pagbisita niya dito at hindi pa naman bilang ang araw." Pangungumbinsi din ni Mang Lando sa kasama. "Ayaw mo lang iparinig sa amin Bricks eh. Nakuu, napakadamot talaga nito." Reklamo ng isang kasama nila pero tumawa lang si Bricks. "Nililigawan ka na ba ng binata namin iha?" Tanong ni Mang Lando na may kakaibang ngiting pinapahiwatig. "Naku hindi po. Nagkakamali kayo! Tinulungan niya lang po ako kanina." Pagpapaliwanag ko na kinatango ng iba. "Masipag yan! Madiskarte at mabait!" Sambit ng isa na parang nilalakad na sa akin. "Gwapo pa kamo! Ilan na bang babae ang tinanggihan at napaiyak niya sa rason niyang di pa siya handa?" Dagdag ng isa. "May sampo na simula nang tumungtong siya dito." Hayag ng isa. "Pambato namin iyan sa Mr. Poblacion Pageant noong nakaraang fiesta at nanalo pa." Kwento ng kausap at napatingin naman ako kay Bricks na parang nahihiya na sa naririnig. "Tama na nga po iyan. Ubusin na natin ang laman ng basket at kukunin pa po iyan ni Carmella." Putol ni Bricks na namumula na ngayon ang tenga sa di ko alam ang rason. Sa hiya kaya? Ang cute kung ganun. "Kaninong baon iyang dala mo iha?" Pansin ni Mang Lando sa bag na nakapatong sa hita ko. "Ahh kay Sir Bry po." Sagot ko. "Ganun ba? Mukhang napasarap ata ang kwentohan nila ni Ms. Elena at di na sila nakalabas sa office." Aniya ni Mang Lando pero ewan ko ba at bigla akong nakaramdam ng inis ng marinig iyon. Ngumiti nalang ako ng hilaw. "Samahan mo nalang Bricks at nang maidala na niya iyan." Utos ni Mang Lando. "Sige po." Tatayo na sana siya nang inunahan ko ito. "Naku huwag na po. Iwan ko nalang po dito at mahirap ng makaistorbo." Wika ko sabay patong sa lamesa ang baon. "Kukunin ko na po ang basket." "Sigurado ka ba na hindi mo na ipapaalam na narito ka?" Paninigurado ni Mang Lando na kinatango ko at ngumiti. "Ok lang po. Di naman po ako ganun kaimportante." Saad ko na parang nagtatampo sa tono ng boses ko. Para akong biglang natauhan sa sinabi ko. "Ang ibig ko pong sabihin ay naghatid lang po ako ng miryenda at baon kasi yun po ang utos sa akin." Paliwanag ko. Defensive? Ayy ambot! Napansin ko ang pagsalubong ng kilay ni Bricks at Jeloy sa akin habang nakikinig sa paliwanag ko. Parang mali atang nagpaliwanag pa ako. Makaalis na nga nang tuluyan dito. "Ihahatid na kita." Prisenta ni Bricks. "Mauna na po ako." Paalam ko at kumaway lang ang iba bilang tugon nila. "Mag ingat ka iha." Paalala naman ni Mang Lando na kinatango at ngiti ko saka ko sila tinalikuran. "Sigurado ka bang hindi mo ipapaalam kay sir na andito ka?" Tanong muli ni Bricks na kinatango kong nakangiti. "Ang utos lang naman sa akin ay idala ang mga miryenda at baunan kaya yun lang ang gagawin ko." Tugon ko. "Sabagay. Ikaw ang bahala." Aniya niya habang naglalakad kami patungong labasan. "Salamat sa paghatid. Mag aabang nalang ako ng trycicle." Hayag ko na waring magsasalita pa ata siya ay may narinig na akong busina ng sasakyan sa likuran namin. Bumaba ang isang lalaking naka Plain Gray Vneck shirt at jeans at black shoes. Lahad ang hapit na laki ng katawan nito sa damit at yumayakap na pantalon sa binti habang dali daling tumungo sa kinaroroonan namin at tiningnan kami pareho ni Bricks. "Why you didn't tell me that you're going here." He asked like his mad based from the tone of his voice. "N-naghatid lang ako. Yun lang naman po ang utos sa akin." Paliwanag ko sabay iwas ng tingin. I can see how serious his face was. Brows meeting each other and madness from his eyes. Nakakatakot pero hindi ko ipapahalata iyon. Wala naman akong ginawa ah. "So why are you both here?" Sabay tingin kay Bricks na hindi naman natinag at sinalubong din ang mabangis na tinging iyon. "Hinatid ko lang siya sir." Kalmadong paliwanag ni Bricks sa magalang na paraan na hindi parin binababa ang tingin kay Bry. "Really? Alam mo walang sasakyang dumadaan dito Bricks." Sarkastikong aniya niya dito. "I'm about to tell her sir pero bigla kang dumating." Aniya niya na hindi parin inaalis ang pakikipagtitigan. Wait lang! Mukhang hindi ata maganda pakiramdam ko dito. "Bricks pwede ka nang bumalik sa loob. Ok na ako dito." Saad ko pero kita ko ang hindi pagpayag sa reaction ng mukha niya. "Sa bayan pa ang sakayan Carmella. Ihahatid na kita doon." Prisenta niya. "No! Ako ang maghahatid sakanya." At inabot ni Bry ang kanang kamay at hinila ako palapit sa sasakyan niya. "Wait lang!" Tutol ko pero hindi niya ako pinakinggan at sinakay agad sa passenger seat. Pagkasara niya ng pinto ay bumalik ulit siya kay Bricks at kinuha ang dalawang basket na bitbit niya at parang may sinabi pa ito sakanya. Seryoso lang na nakatingin si Bricks sakanya hanggang tuluyan na siyang talikuran ni Bry at pumasok na din sa sasakyan. "Anong sinabi mo sakanya?" Inis na tanong ko. "Nothing. I just warned him not to meddle." He said annoyed. "For what?" I curiously asked. "Wala naman ginagawa yung tao. Tumulong at hinatid lang ako. Anong masama don?" I asked annoyed too habang nilalagay ang mga basket sa back seat. Grabe tong lalakeng to. Pinaandar na niya ang sasakyan at sinimulang ng magmaneho. "I can read some people's mind through their action kaya I can sense that there is something more in just helping and even volunteering himself to accompany you." He concluded. "That's only your assumption sir. Your judging someone which is his only intention is to help." Correcting him. "His intention is his ways to be in to you. Can't you just sense it?" He said irritated. "I can't sense because I'm not that fond of judging others." I answered then turning my head from him and face the window. "So why you didn't let me know that you're going there?" Tanong niyang halata ng galit dahil medyo mataas na ang boses niya. "Kailangan ko pa bang sabihin na pupunta ako don kung inutusan lang akong maghatid?" Paliwanag ko which is true naman. Additional lang yung makita siya pero hindi yung main purpose. "Kahit na. You should still tell me." Tigas niyang tugon. "Para saan? Hindi lang naman ikaw ang amo ko? At saka ayaw ko kayong maistorbo." At nasabi na nga ang rason kung bakit di ko naipaalam na naroon ako. Kumunot ang noo niya sabay saglitang tumingin sa akin. "Maistorbo? Kanino?" Taka niyang tanong. "Y-yung kasama mo sa o-office niyo." Hayag ko na parang hirap kong sabihin. "Kasama sa office? Sino?" Tanong niya ulit. Wow! Maangan pa! Sigurdong itatanggi niya siguro ang sakanila ni Elena. Huh! Very nice Bry. "Huwag ka na ngang lumusot pa. Lalake nga naman." Sabay irap ko sakanya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala akong kasama sa office nung dumating ka. Kung yung maglolo ang tinutukoy mo, sabay silang umalis." Paliwanag niya na kinalingon ko agad sakanya. "Pero yun ang sabi ng mga trabahador niyo." Paliwanag ko. "Hindi siguro nila nakita ang pag alis niya kanina kasi mas nauna si Mang Ador bago ang apo niya." He explained. "I'm just checking those inventories and some papers." He added. "Ganun ba?" Tanging sagot ko na hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang mukha ko sakanya. Narinig ko siyang tumawa at di ko na inabalang lingunin siya. Umakyat ng ang init ng kahihiyan sa mukha ko. Daig mo pa ang nagseselos na girlfriend Carmella. Lusot? Ikaw na dapat mag isip kung paano ka lulusot sa hinala mo kanina. "Daig mo pa ang nagseselos na girlfriend ah." He said teasingly. Lumingon akong gulat sakanya. How come na nabasa niya ang nasa isip ko. Lalo akong napaiwas at nakagat ang labi sa katangahan ko. "But that sounds cute for me. I like that." And he smiled widely. Ngiti ka pa diyan. Saya mo ah habang ako hiyang hiya sa mga pinagsasabi ko. Makaganti nga sa taong nagsabi ng wrong information sa akin. Bwisit yun. Nasa bahay na kami ngayon at don na din niya kinain yung baon na dinala ko. Yung pagkaalis ko pala kanina ay sakto din daw pala ang paglabas niya sa office at inabot pa ng isang trabahador ang baon na dinala ko. Nataranta daw siya nang malaman na aalis na ako. "Were going to Manila tomorrow. They urgently need us there." He informed. Tiningnan ko si nanay na ngayon ay nasa upuan at nagtutupi ng mga damit. Nasa lamesa naman kami ni Bry na kumakain ng tanghalian. "Iniisip ko sila nanay eh."sambit ko habang hawak ko ang kutsara at tinidor. "Nakausap ko na ang nanay mo. Payag daw siya na sumama ka sa akin pero dito nalang daw sila sa bahay niyo. I will tell Latina to check on them every now and then while were not still here." Saad niya habang kumakain. "Wait. Were? Tayo?" Taka kong tanong. "Diba may work ka sa Manila?" Tanong ko. "Oo. but I can manage them at the same time since they are part of my responsibilities" He said proudly. Wow. How come that he can manage both big responsibilities in the same day and time? Tapos isasali pa kami. No! That's too much. Ayaw kong dumagdag sa pasanin niya since nagkaroon pa ng problema sa farm nila. That's too much to handle for me at alam kong gaano kastressfull yun. "Can you really handle them both?" Making sure if he really can. He nodded and smile. That smile that brought hope and courage to stand what life brings in to him. "Then, I'll support you on that." I added responding from his smile. "Thanks but I want more than that." He said while looking at my eyes directly. "Ano yun?" I asked. He inch the gap of our face and stared in my eyes. "Just stay beside me whatever might happens." I was caught off guard! That statement reminded me of someone who told me that familiar words before learning the news that he's engage to someone. I gulped. I bit my lower lip. No! There nothing wrong in trying. There's nothing wrong in trusting someone again like Bry. I can feel that he's far better and different to the person I'm in my mind and I can truly sense it. Were just friends anyway. I met his eyes on the way he look at me and exchanging contacts like there's something in between us. I won't promise anything but I'll try. I smiled. "Is that necessary?" I jokingly said. He tilted his head looking at me straight. Ayaw magpatinag kahit tunaw na ako sa titig niya. Inaantay niya ang sagot ko. "Susubukan ko." I said and then a smile lined up in his lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD