"Bry! Carmella! Tawag kayo sa loob. Woahhhhhh!" Agad kaming napaghiwalay na marinig namin ang boses ni Kyle. Iniwas ko ang mukha ko at kinagat ang bibig. Magkaharap parin kami at siya ang lumingon kay Kyle. Naway isipin lang ni Kyle na nag-uusap lang kami at wala ng iba. "Tapos na kayo? Tinatawag na kayo sa loob." Aniya ni Kyle sabay ang pagngisi. Napalingon ako saglit kay Kyle na gulat at binalik din sa dati. Alam niya? "Susunod na kami." Sagot ni Bry sabay lumingon sa akin na sa gilid parin ang tingin ko. "Sige. Pakilinis nalang yung... " napalingon kaming bigla kay Kyle at sabay turo sa bibig niya." bibig mo Bry. Makalat yung lipstick." Namilog ang mata kong tumingin kay Bry at parang tumaas ang lahat ng init sa mukha ko ng makita kong may lipstick sa bibig nito at yung iba pa ay

