Thana's POV Maglilimang araw na rin simula nang magka-lagnat si Quiam buti nalang naging okay na rin siya. Napansin ko lang ngayon parang hindi ko na masiyadong nakikita at nakakausap ang bwesit na Ishmel nakakalungkot ano kayang problema ng punyetang 'yon.. "Thana," tawag sakin ng isang pamilyar at baritonong boses. Agad ko naman siyang binalingan. Nawala ang ngiti ko nang makita ang hawak niya. "Ishmel, bakit may dala kang luggage? May pupuntahan ka?" I smiled knowing that he talked to me already. Pansin ko kasing parang iniiwasan niya ako noong nakaraang araw. "Yea," tipid niyang sagot. Parang naninibago ako sa hinayupak na 'to. "Gago ka talaga minsan na nga lang tayo magkita at mag-usap tapos ngayon aalis ka na naman," I sadly stated. "Bakit? Mamimiss mo ba ako babe?" Nakangi

