Magda-dalawang buwan na rin simula noong umalis si boss at inis na inis na ako sa tagal niyang umuwi. Napakalaking paasa niya. Paasa siya kahit pogi siya paasa pa rin siya. Nanatiling nakaupo lang ako dito sa veranda kung saan kami unang naghalikan. Charot! Halikan talaga. Alam mo 'yong hinahanap mo ang presensiya niya. Nami-miss mo lalao na ngayon at ang tagal niyang bumalik. Teka, ano ba naman itong iniisip ko napaka-laswa. Talaga bang gusto ko na si boss, ang hinayupak na 'yun? Hindi maaari eh, hindi talaga pwede 'yung kulogong iyon? Ang pangit naman ng posture niya. Well built body, fair and white skinned,ang tangos ng ilong,ang tangkad, ang ganda ng boses. Ang ganda ng lips ang mga matang parang hinihigop ang kaluluwa ko bwesit siya paasa siya. Ni tawag para kamustahin ako wala man

