Thana's POV Bwesit na lalaking to tang-** niya. Nanghihila ng walang paalam ang sarap katayin ang sakit ng kamay ko tapos dinala lang pala ako dito sa park kitang naiiyak ako umupo naman agad kami sa ilalim ng puno na may bench. "Hey, Thana," simula niya. "Huwag mo akong kausapin," inis na ani ko at inirapan siya. "Thana, I'm sorry for not telling you the truth," mahinang ani niya sa akin. Nagsimula na namang sumikip ang dibdib ko. "Bakit ba ang dali kong linlangin? Alam mo Ishmel, pagod na ako sa buhay ko. Ni wala na akong pamilya na nagmamahal sa akin. Nagta-trabaho ako para sa sarili ko para mabuhay ako. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko lalo na sa iyo eh. Kung hindi kita nakilala ewan ko kung saan na ako pinulot ngayon," mahinang ani ko. Kinagat ko ang aking labi at tumingala up

