Harold's POV Deritso lang ang tingin ko sa daan habang nagda-drive. Tiningnan ko ang babaeng machine gun sa gilid at nakangangang natutulog. Hindi ko maintindihan kung bakit ko natatagalan ang babaeng 'to. "Hey! Thana," tawag ko sa kaniya. Hindi sumasagot at siguradong pagod na pagod. Ang sarap ng tulog niya humihilik pa kababaeng tao ang lakas humilik. Dumaan muna ako sa isang drive thru Jollibee at dumiritso sa lugar na palagi kong pinupuntahan. Maingat na ipi-nark kosa gilid ang kotse at napatingin sa kaniya I can't help myself not to stare on her beautiful face. Kaya pala na inlove si Ishmel sa batang 'to sh*t parang ang tanda ko na kung maka-bata ako. I look away and again turn to her side. Parang may kung anong nagsasabi sa akin na hawakan ang mukha niya. My hands slowly touch

