Chapter 2

1945 Words
Dumating si Mikael sa rooftop upang sundan si Duncan. Hinahabol nito ang isang spirit na Pukwudgie. Nasa 3 feet lamang ito, may mahabang ilong at tenga, at luminous gray ang balat. Isa itong masamang uri ng espiritu na kayang ihatid sa kamatayan ang sinumang mabiktima nito. Nagagawa nitong gumamit ng mahika, maglaho at sumulpot kahit kailan naisin, o kaya ay lumikha ng apoy. Pagdating niya sa rooftop ay nakita niyang kaharap na nito ang Pukwudgie. Mabilis itong kumilos, mautak at mapang-asar. Winawagayway pa ang puwit kapag hindi natatamaan ni Duncan. "Mahirap ito, di namin 'to malalabanan ng ganito ang itsura namin" bulong ni Mikael sa sarili. Tiningnan ang unipormeng suot. Paano ba akong napapayag na magsuot nito? Tsk. Nagpalit-anyo si Mikael sa isang iglap. Nagliwanag ang kanyang buong katawan at napalitan ang school uniform ng kanyang silver armor, at lumabas ang mga pakpak na nagliliwanag sa puti. Gano'n din ang ginawa ni Duncan, napalitan ang school uniform nito ng gold armor at lumabas din ang mga pakpak nito. "Hindi ka namin papayagang manggulo rito sa mundo ng mga tao. Sasama ka ba sa amin ng maayos pabalik sa piitan nyo o maglalaho ka na dito?" banta ni Duncan. Ang mga espiritu na napapaslang ay maglalaho at magbabalik sa source, non-existent na sila. "I am not going back there! You won't be able to catch me. Nye nye nye nye nye! Belat!" Sabay wagayway ulit ng puwit. "Kung iyan ang napili mo. Humanda ka na." Iniumang ni Duncan ang kanyang gintong espada. Hindi dapat makatakas ang isang ito. Isa itong mapaminsalang espiritu. Nagliwanag ang hazel gray na mata ni Duncan, hudyat na walang planong pakawalan ang kalaban. Mabilis na sumugod si Duncan, mas mabilis kaysa sa bilis ng Pukwudgie. Nagulat ang Pukwudgie, sinalag ang espada ni Duncan. Napaatras ito dahil sa lakas ng pinuno ng Spirit World Guardians, pero tuso ito. Ginamit nito ang fire power upang matamaan si Duncan sa tiyan at makalayo dito. Napaatras si Duncan, pero hindi nakalayo ang Pukwudgie dahil sumugod naman si Mikael mula sa gilid. "Madaya kayo! One on one lang, dude!" reklamo ng Pukwudgie. "Sige, kung iyan ang gusto mo. Mikael, laban ko ito." Itiniklop naman ni Mikael ang mga pakpak mula sa pagkakaunat na senyales ng pagsugod, ito ay bilang hudyat na ipinapaubaya na nito ang laban kay Duncan. May tiwala siya rito. Hindi pa niya ito nakikitang nakikipaglaban gamit ang totoong lakas ngunit hindi ito magiging pinuno nang dahil lang sa wala. Ayaw din niyang makalaban niya ito kahit sa sparring. Nagsagupa sina Duncan at ang Pukwudgie. Mabilis ang kilos at tila walang kapaguran ang paghaharap ng dalawa. Nag-umang ng kaliwang kamay ang Pukwudgie upang ihanda ang mas malaking fireball. Nasalag ni Duncan ang fireball gamit ang invisible magic barrier niya. Nagulat ang Pukwudgie, hindi niya alam na may ganoong kapangyarihang ang guardian. "Madaya ka!" sigaw ng Pukwudgie. "Madaya? Sino ba ang unang nandaya? Isa pa, dinadaya mo rin ang mga tao, hindi ba? Sinasaktan at pinapatay mo sila habang hindi ka nila nakikita. Hindi ka nararapat mabuhay pa!" Isang napakabilis na paglusob ang ginawa ni Duncan. Iniharang naman ng Pukwudgie ang espada na nakuha niya sa museum ng school, sa pagaakalang didiretso ng sugod ang guardian. Pagdating sa harap ni Duncan ay bigla itong naglaho sa hangin, "Arghhh!" daing ng Pukwudgie. Mabilis na kumilos pala si Duncan papunta sa tagiliran ng Pukwudgie at isinaksak dito ang kanyang gintong espada. Hinugot ni Duncan ang espada, sabay saksak sa dibdib ng Pukwudgie. Nagliwanag ang bahagi ng dibdib nito na tinamaan ng espada. Unti-unti itong naagnas mula kamay, braso, paa, binti, hanggang sa maglaho nang tuluyan sa hangin. "Pinatagal mo pa," biro ni Mikael. "Naaliw lang akong makipaglaban. Hayaan mo na. Nag-enjoy ka namang manood eh." Ngumisi si Duncan. "Babalik na naman ba tayo sa mga suot nating school uniform na 'yon?" napangiwing sabi ni Mikael. "Kailangan, narito ang sentro ng portal na dinaanan ng mga takas na espiritu," saad ni Duncan. "Narito rin ang malakas na kakaibang enerhiyang parang magnet na naramdaman natin , maging ng mga espiritung 'yon." Nagbalik na sila sa suot nilang school uniform. Pagtalikod nila papunta sa pintuan ng rooftop saka nila napansin ang babaeng estudyante na nakaupo malapit sa pintuan, at tulala. "Patay..." gulat na sabi ni Mikael. Nilapitan ni Duncan ang estudyante, "Miss, ano ang nakita mo?" Parang lutang ang isip ng blangkong tingnan ni Lexi ang mukha ni Duncan. Kumunot ang noo nito. "A-a-a-ano 'yung nakita ko? T-tao ba 'yong gray ang katawan? T-tao ba kayo?" nauutal na tanong sa kawalan ni Lexi. "Lagot tayo, Duncan. Wala pa naman si Cyrie para burahin ang alaala ng tao na ito." "B-buburahin nyo ang alaala ko? Ayoko! Don't mess up with my brain! I'm sure with what I saw. T-that thing is not human! A-and... A-and," sabay tingin ni Lexi sa dalawa, napaawang ang mga labi nito ng maalala ang mga puti at mala-asul na pakpak ng dalawa. "Angel kayo?" "Something like that, Miss." "Mikael!" Pigil ni Duncan. "Call Cyrie, now!" utos nito. Naningkit ang mga mata ni Lexi. "I told you to never mess up with my brain, damn it!" Napatingala sina Duncan at Mikael dahil sa curse ni Lexi. "I will curse whenever I want. Don't mess my brain. Bahala kayo d'yan." Tumayo ito at mabilis na tumakbo papunta sa pinto. "Wait!" Hindi naabutan ni Duncan ang babae dahil sa tulin nitong tumakbo. "Ano ang gagawin natin? May nakakita ng lahat, hindi lang 'yung Pukwudgie na 'yon kundi pati ang totoong anyo natin. How can we be so careless?" napapailing na sabi ni Mikael. "Wait, paano niya nakita 'yung Pukwudgie? That spirit is supposed to be invisible by the n***d eye, unless may powerful third eye ang ordinaryong tao." Napaunat si Duncan. "We will find that out." Curious din si Duncan. Paano nakita ng ordinaryong estudyante na 'yon ang isang invisible spirit? ☆ Nakakulong si Lexi sa kwarto niya at nakayukyok sa kama. Inaalala pa rin ang nangyari kanina. Ano ba 'yung nangyari kanina? Ano 'yung nakita kong parang engkanto? At hindi tao 'yung mga bago kong kaklase kundi mga anghel? OMG! Pero hindi ko maikukwento ito sa iba, baka isipin pa nilang nababaliw ako. Kahit kay Kimmy pot hindi ko 'to makukwento. Tatawanan lang ako no'n. "Lexi, tara shopping tayo, my treat." Aya ng Ate Alliyah niya sa kanya. Hindi niya napansin na pumasok ito sa kwarto niya. "Next time na lang, ate. Masama ang pakiramdam ko." "Okay," nagtatakang sagot ng Ate Alliyah niya. "Himala, tumanggi siya sa libre," bulong ng ate niya bago isinara ang pinto. Kung sa ibang pagkakataon lang ito, mangunguna pa siya sa kotse para mag-shopping. Aba, minsan lang manlibre ang ate niyang banker na kuripot, pero wala siya sa mood. Hindi pa rin niya makalimutan ang mga nakita sa rooftop. 'Yung mukha ng nakalaban no'ng mga anghel, pati na rin 'yung dalawang anghel na 'yon. Ang gwapo nila. Gwapo ba talaga ang mga anghel? Walang maitapon do'n sa dalawa. Oh my, sorry po, Lord, 'di po maganda ang naiisip ko sa mga anghel Mo. Patawad po. Pious Campus "Good morning Lexipot!" bati ng bestfriend niya. "Good morning." Bumeso beso ni Lexi kay Kim. "Oh, bakit matamlay ka? May problema ba?" Nag-aalalang sinalat ni Kim ang leeg ng bestfriend. "Medyo mainit ka. Punta ka kaya sa clinic? "Wala ito. May period lang kasi ako. Mawawala din ito." Pumasok na ang dalawa sa classroom. Maya-maya ay dumating ang kanilang dating crush na star na si Gian. "Ayaw mo na talaga sa kanya, Lexi pot?" Ininguso ang tinutukoy na binata. "Hmp. Bahala siya. Pina-cancel ko na rin 'yung ni-reserve kong ticket sa concert niya. Ikaw kung gusto mo, manood ka pa rin." "Ay naku, ayaw ko na din sa kanya. Suplado. Nakita ko na siya sa parking kanina, sabay kaming dumating dito. Nag-hello ako sabi ko fan ako. Tiningnan lang ako, tapos dedma. Ayaw ko na d'yan. Do'n na lang ako sa dalawang gwapong makalaglag ... panteeeee!" kinikilig na pigil na tili ni Kim nang makita ang dalawang bagong dating na kaklase. "Penge ng pardible, Bes." "Bakit, aanhin mo?" "Lumuluwang ang garter ng panty ko. Eeeeehhh!" Sabay tawa ni Kim. "Hoy! Maghunus dili ka! 'Di mo pwedeng pagnasaan 'yang dalawang 'yan," saway ni Lexi. "At bakit naman? May mga asawa na ba sila?" Curious na lumapit pa ang mukha ni Kim kay Lexi. "Hindi 'yon. Basta. Kay Gian ka na lang ulit." "Hmmm... Type mo sila ano, kaya ayaw mong pagnasaan ko sila? Hoy, tig-isa tayo, ano ba, h'wag ka namang sugapa!" Sabay kurot sa tagiliran ni Lexi. "Aray! Sira ka hindi, 'no! Basta. 'Di mo pa nga kilala 'yang dalawang 'yan eh. Si Gian kahit paano kilala mo na," pangungumbinsi ni Lexi. Mabibigo ang kaibigan niya sa dalawang 'yon. Mga anghel 'yon eh. Papatol ba 'yon sa tao? Pwede ba silang magka-GF? Parang malabo. Masasaktan lang na umaasa 'tong kaibigan ko. Napalingon sa gawi niya sina Mikael at Duncan. Seryosong nakatitig sa kanya si Duncan, parang may gustong sabihin. Sumenyas ito sa kanya. "Mag-uusap tayo mamaya." Nagpalingon-lingon si Lexi. Sino 'yon? May kumakausap ba sa akin? Napatingin siya kina Mikael at Duncan. Kumunot ang noo ni Lexi na nagtatanong. Tumango si Duncan. "Siya ang nagsalita? Saan? Paano? Teka... Tele.. Ano ba 'yon? Ay hindi, ano nga ba ang tawag sa power na gano'n? Nakakapagusap sa isip? Telepathy yata 'yon." Tumango si Duncan. Napaawang ang bibig ni Lexi. "Wow!" Ano kaya ang pag-uusapan nila? Baka pagbabantaan na naman siyang buburahin ang memorya niya? "Subukan lang nila. Hmp!" Uwian. Binalak ni Lexi na takasan ang dalawa kaya nagmamadaling tumayo agad pagkatunog ng bell. Papalabas na siya ng pintuan nang may humawak sa back pack niya, hindi tuloy siya makalakad. "Ang lakas naman ng taong 'to, este anghel nga pala 'to. No wonder." "'Di naman ako tatakas. Magc-CR lang ako," palusot ni Lexi. "'Di naman ako makakatakas sa inyo, eh." "Uy, Lexipot, close na kayo?" Sabay tingin ni Kim kay Lexi at sa dalawang lalake. "Ah, hindi. Nagtatanong lang sila ng lesson natin. Wala pa raw silang libro," palusot ni Lexi. "Ah, okay. Pakilala mo naman ako." Binunggo-bunggo pa ni Kim ang tagiliran ni Lexi. "Ah, kaibigan ko nga pala, si Kim." "Hello." Inabot ang kamay ni Kim. Tinanggap naman 'yon ni Mikael pero hindi nakipagkamay si Duncan. "Paano ka ba namin makakusap nang wala itong kaibigan mo?" tanong sa isip ni Duncan. "Naririnig mo ba ko sa isip ko?" tanong ni Lexi. Tumango si Duncan. "Bueno, since angels naman kayo, kaya n'yo naman sigurong hanapin ang bahay namin. Naro'n kami sa dulo ng Poblacion, 'yung Hacienda Salvacion. 'Yung kwarto ko 'yung may terrace sa kaliwa, sa pool side sa 2nd floor. Do'n na lang tayo mag-usap-usap mamayang gabi," sagot ni Lexi sa isip. Tumango si Duncan saka ito tumalikod. Nagpaalam naman si Mikael kay Kim. "Eeeeeehhh! Ang gwapo nila sa malapitan!" Kinikilig na parang naiihi na naman ito. "Heh! Baha na ng ihi dito!" Natatawang kiniliti ni Lexi sa tagiliran si Kim saka tumakbo. Malakas ang kiliti nito do'n, konting sundot lang para na 'tong hihimatayin. Humabol naman si Kim para gumanti. Sa batok naman ang weakness niya. ☆ Mula sa rooftop ay may pares ng matang nakamasid sa buong campus. Naghahanap ito ng bagong bibiktimahin. Sariwa, bata, babae. Iyon ang gusto niya. Napangiti nang maluwang ang nagmamasid nang may makitang target. Sinipat ang estudyanteng hinahabol ng isa pang estudyante. Ang ganda niya. Ikaw ang target ko mamayang gabi. Lumabas ang dila nito na tila takam na takam....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD