Nagteleport agad si Duncan sa pwesto ni Cyrie sa gitna ng nakapalibot na spirits. "Nasaan si Elisse?" Iniumang ni Duncan ang espada niya, tumalikod kay Cyrie para bantayan ang aatake mula sa likod. "Hinabol niya ang nilalang na may gold ang buhok! Nakasagupa namin siya tapos humarang 'tong mga nakawalang spirits sa Cell! Nakahabol si Elisse sa kanya!" "Ano? Hindi kakayanin ni Elisse mag-isa ang nilalang na yon! Mikael! Sundan mo si Elisse, Lexi, maiwan ka dito!" Sigaw ni Duncan sa dalawa na nasa labas pa ng palibot ng spirits. Lumingon naman ang mga spirits sa gawi nila Lexi na ngayon lang sila napansin. "Mag-iingat ka, Lexi." Bilin ni Mikael dito. Tumango naman si Lexi. "Sige na. Kailangan ka na ni Elisse." Tumakbo na si Mikael papunta sa loob ng kagubatan. Tiningnan ni Lexi isa-isa

