"Pangit ba? Bakit ganyan ang reaction nyo? Hoy!" Pumitik sa hangin ng ilang ulit si Lexi. "H-ha? Hindi, maganda nga e. M-maganda." Nauutal na sagot ni Mikael. Umiwas naman ng tingin si Duncan. "Ah. Akala ko pangit eh." "Kung pangit ka, wala ng maganda sa mundo." Bulong sa sarili ni Duncan. "Mag-focus ka nga, Duncan, kung ano-ano ang iniisip mo." Sinaway niya ang sarili niya. Ipinilig ang ulo. "W-we have another task to accomplish," umuwas ito ng tingin kay Lexi, "Mikael, pakihawakan si Lexi, pupunta tayo sa Armory." Inilahad ni Mikael ang palad kay Lexi, inabot naman ni Lexi ang kamay niya dito, saka sila nagteleport papunta sa isa na namang malaking pintuang bakal. Itinapat ni Duncan ang kamay nito sa pinto at bumukas ito. Naglabas ulit siya ng apoy tulad kanina para buksan ang mga

