Nanginginig ang mga kamay ko pagkalabas nila. I can't believe I pointed a gun at him. Sanay akong humawak ng baril pero paano kung aksidenteng nakalabit ko iyon? Pumikit ako at nanghihina na napaupo sa kama pagkauwi. Sinabi ko kay daddy na ipasara pansamantala ang mga casino na wala sa hotel. Pumayag siya at hinayaan na akong magdesisyon sa ibang mga bagay na tungkol sa casino. What happened gave daddy confidence in me that I can manage his illegal casinos. "Daddy…" "Hm?" "Pagkaalis ko ba papuntang Japan, nagpadala ka ng mga tauhan sa bahay nila Lucas?" Natigil si daddy sa ambang pag-inom sa kape at naibaba ang binabasa niyang dyaryo. Nag-isip siya sandali bago tumingin sa akin. "Hindi naman. Noong nagpunta ako na kasama ka, iyon lang ang natatandaan ko na nagpunta ako sa kanila." "

