Malayo na kami sa booth. Hila-hila niya ako papunta sa likuran ng building nila na mayroong mga lababo at gripo. Walang tao rito dahil nasa booth ang lahat. "What—" Marahas niya ako na iniyuko at kumuha ng tubig para ipunas sa labi ko. Hindi ko naituloy ang salita. Mariin kong naisara ang bibig para hindi makainom ng tubig. "Ano ba!" Sigaw ko nang matapos siya. Madilim ang tingin niya pero hindi nagsasalita. Namumula siya. Tahimik na hinihingal at parang pinapakalma ang sarili niya. "Ano'ng drama ito? May pa-hila hila ka pa!" "You two are kissing! Sa harapan pa talaga ng maraming tao Lucienne?!" Napanganga ako sa sinabi niya. Oo nahalikan niya ako pero magaan na halik sa pisngi lang. Halos hindi pa nga dumikit. Pero nasa kabilang side siya at hindi ko siya nakita kaya akala niya sig

