"Anong oras ka umuwi? I went to your class to excuse you but you weren't there." Kumakain ako sa sala nang maabutan niya. Prente akong nanunuod ng TV habang nakapatong sa lamesita ang mga paa. "Ang tagal mo. I'm not a fan of waiting." I lied. Kasi umuwi ako kaagad at hindi naman talaga naghintay. Umupo siya sa tabi ko at iritado na tiningnan ako. "Why do you think they didn't call you? Why do you think they didn't punish you? Inayos ko ang gulo mo kaya ako nagtagal!" Natigil ako sa pagkagat sa sandwich. Vice President nga pala siya sa student representative kaya kasama siya sa mga dumating kanina. Inagaw niya ang sandwich sa kamay ko at siya ang nagpatuloy na kumain doon. "Gulo ko? Maybe you mean gulo nila!" "Nabali ang ilong at daliri ng dalawa. Ang isa, masakit ang tiyan dahil sin

