Nagising ako sa sinag ng araw na sumusungaw mula sa bintana. Wala na si Lucas sa tabi ko ngunit naririnig ko ang boses niya mula sa sala. "Huwag niyo po sana munang ipaalam sa iba ito, Lola. Lalo na po sa pamilya ni Catelynn." Nawala ang antok ko at naging alerto sa pinag-uusapan nila nang makarinig ng pamilyar na pangalan. Umupo ako at sumandal sa uluhan ng papag. Kahit hindi magtanong tiyak na tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila. "Ano ba ang inaalala mo? Matagal na kayong wala ni Catelynn, hindi ba?" "Opo, Lola. Kaya lang po ayoko sanang may makaalam na nandito siya.” "Bakit naman—” "Hayaan mo na ang mga bata sa gusto nila! Pinakilala na nga sa atin at ngayon pakikialaman mo pa! Sige na Lucas gisingin mo na at ako na ang bahala rito sa Lola mo!" Narinig ko ang tawa ni Lucas at

