Her Innocent Slave 03

1905 Words
Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako sa banyo na nakatuwalya lang. Hindi siya makatingin sa akin kahit dinaanan niya ako papunta sa banyo para maglinis ng sariling katawan. "Lucas, bilisan mong maligo! Hihintayin na kita! Sabay na tayong kumain sa ibaba!" Pairap akong napangisi nang wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Wala pang sampung minuto'y lumabas siya na basa pa ang buhok. Nakasuot na siya ng bagong damit. Hindi niya pa rin masalubong ang mga mata ko. I wanted to tease him more but I was hungry so I stopped myself from teasing him. "Let's go down. Come on." I walked outside. He silently stalked behind me. Maya't maya akong napapangisi sa tuwing napapatingin sa kanya. Tahimik lang siya at hindi ako pinapansin habang kumakain sa hapag. "How is he, Anak?" "He's unbelievably good, Dad." Sagot kong ikinasamid ni Lucas. Palihim niya akong tiningnan ng masama habang umiinom ng tubig. "Ano ba ang mga ginagawa ninyo at nasa kuwarto mo siya? Can't you just take him to another room?" Lucas cleared his throat and nervously drink his water again. I know he agrees with my father and just can't make a demand in front of him. He's no right for that. He's slave here. "What we were doing? Hmm...massage? And...hmm?" Kunwaring nag-isip ako. Sinulyapan ko si Lucas na masama pa rin ang tingin lalo't tunog may ibang kahulugan ako. Mahina akong tumawa bago nagpatuloy sa pagsagot. "And...shopping? It was fun!" Tumango si daddy at seryoso akong tiningnan. Ngumiti ako ng inosente nang pinagtaasan niya ako ng kilay. "I'll let you do what you want but, don't forget your promise to your Ate." I nodded and smirked. Ate Riaca is a half Japanese. While I am half European. Kaya siguro matured din ang itsura ko at mas baby face pa si ate na limang taon ang tanda sa akin. "Of course, Dad." My older sister is on an island. Daddy did the transaction with the sole owner of the island but I paid with my own money to have a share. I even remembered seeing them meeting in one of our casinos. I was one of the eight owners of that island but Ate Riaca stayed there instead of me. She promised me that I would be able to go there on my eighteenth birthday. I should still be a virgin and innocent. My hymen is still intact. But, innocent? Nah! They know I can't promise that! Minors are not allowed but I am one of the owners so I should be exempt from everything. Kaya lang, napagkasunduan nila ate at daddy na kailangan ay virgin ako hanggang sa sumapit ang ika-labing walong kaarawan ko. Masyado akong ma-explore at walang pakialam sa puri. Nag-aalala sila noon na maaga kong ibigay ang sarili sa mga kakakilala ko pa lang na lalaki. Para maiwasan iyon, ito ang naging kondisyon nila sa akin ni ate. "Get in." Papunta kami sa school. "I'll just take a cab. Mayroon akong sasakyan sa bahay. Dadaanan ko iyon bago pumasok." I rolled my eyes and pushed him hard to force him to go inside the car. "You're not going home. Maraming sasakyan dito na puwede mong gamitin." "Bakit ang hilig mong manulak?" Dumiin ang panga niya habang inaayos ang nalukot na damit. "Kasi ang hilig mong magpatulak? Lampa ka ba? Isang tulak ko lang sa iyo humahagis ka na?" Tumawa ako. Nag-iwas siya ng tingin at galit na umayos sa pagkakaupo. Hindi siya nakipagtalo. Para bang gusto niyang iparamdam na ayaw niya akong kausap. Nang nasa loob na ako ng sasakyan, nilapitan ko siya at sinilip ang kilay niya na nanatiling magkasalubong. "Galit ka na niyan?" Hindi siya nagsalita ngunit pagalit ang mga sulyap niya. Pagkarating sa school, nagmamadali siyang bumaba. Sinundan ko ang dinaraanan niya at nakitang naghihintay pala ang girlfriend niya sa gate. Mabilis niya iyong hinawakan sa kamay. Napanguso ako. Nanguna siya dahil sa palagay ko'y hindi niya gustong malaman ng girlfriend niyang kasabay niya ako. Pero...ganoon lang iyon? Holding hands lang ba talaga ang alam nilang gawin? Kung boyfriend ko siya, kailangan laplap ang pagbati niya sa akin. Inside the classroom, we will continue making out until class starts. Napangisi ako sa naisip kasabay ng pagbaling niya palingon kung nasaan ako. Kasunod nila ako't papasok na rin sa gate. Galit ang tingin niya sa akin. Pagkaharap naman sa kasintahan niya'y napapalitan iyon ng ngiti. "Whatever the f**k," ani ko sa gitna ng ngisi't pag-irap. Tinuklap ko ang mga mata sa kanila at naglakad na papunta sa sariling silid. Tamad na tamad akong nakikinig sa mga lesson at lantaran na naghihikab. Hindi ako interesadong mag-aral pero at least pumapasok ako. Malaking bagay ang attendance ko. Ayokong pati ang pag-aaral ko'y silipin nila ate at daddy. Nabuhayan at napangiti ako nang makita na ilang minuto na lang ay break na. Pagkatunog na pagkatunog pa lamang ng bell, mabilis na akong tumayo. Maingay na sa canteen nang makarating ako. Nag-uunahan ang mga estudyante at kanya-kanya ng puwesto. Hindi ko na kailangang iikot ang tingin para hanapin si Lucas dahil kabisado ko kung saan madalas nakaupo ang grupo nila. Nagkakasiyahan na sila't nagsisimula nang kumain. Kumpol-kumpol ang mga estudyante. Samantalang ako'y mag-isa. Wala akong mga kaibigan. Una, hindi ko gustong makipagkaibigan. Pangalawa, bago pa lang ako at kararating ko lang nakaraang taon sa Pinas. Pangatlo, kasisimula pa lang ng pasukan. Panghuli, hindi mukhang palakaibigan ang mukha ko kaya kahit sino'y tatabangan na lumapit sa akin para kaibiganin ako? "Hi," mahinang sabi ko na may kasamang kaway nang magawi sa akin ang mata niya. Muntik ko nang ikahagikgik ang biglaang paglaki ng mga mata niya. Kaagad niya akong tinusok ng matalim na tingin at inilingan, nagbabanta na huwag akong lalapit. Napanguso ako at napasulyap sa braso niyang nakapatong sa balikat ng kasintahan niya. "Bakit kabado? Nag-hi lang, e." Ngisi ko. Hinawi ko ang buhok ko at saka lumapit para umupo sa katabi nilang lamesa. Hindi ko mapigilan ang mapangisi sa tuwing nakikita ko ang babae sa tabi niya. Maganda at maputi. Maamo ang mukha at mas matangkad sa akin. Pino kung gumalaw, mahinhin magsalita, at nakikitawa lang sa mga pinag-uusapan ng mga kaibigan nila. Umiwas ako ng tingin at kumuha na lang ng pagkain dahil sa matalim na titig ni Lucas nang mahuli akong taas kilay na sinisipat ng tingin ang girlfriend niya. Pagkakuha ng pagkain, naghanap ako ng upuan. Kailangan namin mag-usap mamaya. I felt bored while sitting here alone. Gusto kong sumama sa grupo niya. "Hi!" I had already ordered food and was eating quietly when a blonde girl approached me. Nag-angat ako ng tingin na hindi binibitiwan ang mga hawak na kubyertos. "Are you a new student here?" I just looked at her blankly and didn't answer her question. I don't know her so why should I talk to her? I just pouted and continued eating. I didn't try to look at her again but I could see from my peripheral vision how she crossed her arms rudely. Mukhang naasar sa hindi ko pagpansin. "What a bratty new student here!" She says in sarcasm and interrupted my meal by pulling my plate abruptly. Naagaw niya ang atensyon ko dahil doon dahil natigil ako sa pagkain at nalaglag pa ang ibang laman nang pinggan. Nakataas ang kilay niya nang mag-angat ako ng tingin. Lumapit ang dalawa pang babae na tingin ko ay mga alepores niya. "Who is she?" Tanong nang isa. Pare-pareho silang pailalim ang tingin sa akin. "A feeling entitled new transfer?" The blonde girl shrugged her shoulders. Hindi ko alam na uso pala ang mga bully sa eskuwelahan na ito. Maldita ako paminsan at prangka. Minsan walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Pero hindi naman ako bully sa tingin ko. Kung tahimik ang katabi ko, hahayaan ko. Pero kung guguluhin ako, makikigulo rin ako. I crossed my arms boredly while still sitting and leaning my back at the back of the canteen's chair. I arched my brow and deploy my infuriating smirk to annoy her. "Don't look at me like that!" A frown quickly drew on her face. "Stop looking at me that way or else—" I cutted her words off by lifting my body. I stood up to face her. Napasinghap at napa-atras ng isang beses ang dalawang kaibigan niya dahilan ng biglaang pagtayo ko. "Or else, what? You'll remove it? Do you want to pop out my eyes from its sockets?" I asked, unafraid of her s**t fit. Nakahalukipkip at taas kilay akong humakbang ng isang beses palapit. Umatras ulit ang dalawang kaibigan niya ngunit siya'y nanatili at masama ang tingin. "Do you even know how?" I asked. "Or you might want me to teach you? I'm an expert at removing eyes." She didn't answer and just look at me with annoyance. I gave her a smirk then slowly uncross my arms to reach for her eyes. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis napa-atras ng sunod-sunod. "What are you doing? You're crazy!" She shouted frantically. Binawi ko ang kamay ko habang natatawa sa naging reaksyon niya. "I'm not crazy. I'm just trying to deal with your tantrums." Ipinatong ko ang aking isang kamay sa ibabaw ng lamesa nila Lucas dahil nasa gilid ng lamesa nila ang babae. Inilapit ko pa ang mukha ko sa babae kahit patuloy siya sa pag-atras. It's obvious that she's older than me but we have the same height. I don't care. I'm not frightened. I won't back out even if she's ten years older than me or twenty. "Can't talk now? Where did your tongue go?" I'm smiling sweetly. Hinila siya ng mga kaibigan niya palayo. Nakalabi akong nakasunod ng tingin sa kanila na palabas na sa canteen. Ang ibang mga estudyante ay natahimik dahil sa nangyari. Mayroon ding ilan-ilan na nagbubulungan at kuryusong nakatingin. Iginilid ko ang ulo ko at nakita sila Lucas na tahimik din pa lang nakatingin. Nakapatong pa rin ang isang kamay ko sa lamesa nila. "Hi!" Nakangiting bati ko na may kasamang kaway. Nag-iwas si Lucas at may dismaya sa mukhang umiling. Nakakunot ang kanyang noo at hindi gusto ang ideya na mapalapit ako sa grupo niya. "H-hi," his girlfriend wave her hand back timidly. Nilingon niya ang girlfriend niyang nasa tabi niya at hinuli ang kamay nito para maibaba. Napataas ang kilay ko nang isinalikop niya iyon sa kanya. "I'm sorry for the scene. Are you all alright?" Malaki ang ngiti ko. Lima silang lahat na nasa malaking lamesa. Walang hiya akong marahan na umupo sa tabi nang babae na nerd ang itsura. Nginitian ko siya. Napaiwas siya ng tingin pero siya rin ang sumagot sa tanong ko. "Okay lang." "Are you done eating?" I asked again then looked at their plate one by one. Ngumiti ang katabi nitong nerd na tinabihan ko. "Hindi pa. Kasisimula lang," lalaki siya ngunit may pagka-malamyang magsalita't kumilos. "Nice!" Pumalakpak ako. "Bibili ulit ako ng pagkain! Can I join here?" Nagkatinginan sila. Mukhang mga nagulat na gusto kong maki-share sa table nila. Hindi ko tiningnan si Lucas kasi alam ko naman na ang reaksyon niya. "I'm new here and alone." I reasoned. Napunta sa akin ang mga mata nila. Nginitian ko silang lahat kasama na si Lucas. Tumango ang lahat. Si Lucas lang ang halata na badtrip at hindi maganda ang timpla. Tumayo ako upang kumuha ng panibagong pagkain. Nang sumunod sa akin ang galit na mata niya, ngumisi ako sa kanya at pa-sikreto na kumindat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD