It's six am. Nakayakap ang makapal na kumot sa akin at yakap ang malaki at malambot na unan. Naririnig ko ang pagtunog ng alarm clock subalit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa. Nasa gitna ako ng pagbalik sa pagtulog nang maalala na kaya ako nag-alarm ng mas maaga para sa araw na ito ay dahil ngayon ang araw ng graduation. Napabangon ako. Pupungay pungay pa ang mga mata ko at magulo ang buhok. Nakatago pa sa kumot ang kalahating katawan ko. Nilihis ko iyon at pagapang na inabot ang maingay na alarm clock. Napairap ako nang ang pumalit naman na mag-ingay ay ang telepono ko. Tumatawag si Aina. Malamang ay ginigising ako. Kinancel ko ang tawag niya para ipaalam na gising na ako. I prepared myself and wore a kimono. Hindi ako makakapag-bike na ganito ang suot kaya't nagpasundo ako sa naka

