CHAPTER: 15

1212 Words

Idinilat ko ang aking mga mata. Nasisilaw kasi ako ng liwanag, mula sa bintana na mukhang nakabukas. Ang sakit ng aking katawan, napaupo ako sa malambot na kama at nasapo ko ang aking ulo. Naalala ko ang nangyari kagabi, hanggang kaninang madaling-araw. “Jevie! Ano ba ang pumasok sa utak mo?” tanong ko sa aking sarili habang kina-kaltukan ang aking ulo. Napaluha ako dahil hindi sana ito mangyayari, kung nandito pa si Brayell. Parang nasanay ang katawan ko sa pleasure. Kahit pa sabihin na hindi ko ugali ang magsarili, aminado ako na sa mga buwan na nagdaan, nasasabik na ako sa s*x at gusto ko na rin haplosin ang aking sarili, minsan. Inalis ko sa aking isip ang nangyari, may trabaho pa ako ngayong araw at sayang ang benta, kung hindi ako papasok. Bumaba na ako sa kama at pumasok s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD