“Good morning,” nakangiti na pagbati ko sa mga empleyado namin. Nakatingin lang ang mga ito sa akin at mukhang hangin lang ako para sa kanila. “Ku—,” tatawagin ko pa lang sana si Kuya Hunter, pero agad akong hinawakan ng isang empleyado. Kaya hinabol ko na lang ito ng tingin hanggang makapasok sa loob ng elevator. “Anong plano mo? Nako girl! Marami na ang nagpapansin kay Sir Hunter, lahat sila napahiya. Wag ka ng mag tangka pa. Masasaktan ka lang din,” napatingin na lang ako sa babae na nagsalita. Naalala ko, hindi nga pala ako kilala bilang Williams. Alam ng lahat na babae ang bunso na anak ni Jevie Lyne at Kenneth, pero hindi nila alam na ako ‘yun. “Masungit ba ang triplets?” kunwari na tanong ko dito. “Hindi naman lahat, mabait si Sir Caleb, yung pangalawa sa tatlo. Pero ‘yun

