Nakangiti ako habang pinapanood sa monitor ng CCTV si Jevie. Napakaganda talaga ng dalaga, para sa akin. Nakita ko na kinausap nito ang kasambahay, at para siyang batang pinagtataguan ng tsokolate ng ina kung mag nguso, at nagdabog pa. “Anong nangyayari, Kuya?” tanong ni Kenneth, ang aking nakababatang kapatid. “Wala siyang mahanap na alak. Tingnan mo, para siyang batang nagdadabog,” sagot ko at tinuturo ang monitor sa aking kapatid. Napailing ako. Ang kulit talaga. “Bakit hindi mo na lang bigyan, Kuya?” tanong ni Kenneth, na may hawak ding bote ng alak. “Bata pa siya, Kenneth. Tayo na ang matatanda. Ang dapat nating gawin ay tulungan siyang ayusin ang buhay niya, hindi bigyan ng alak.” Bumuntong-hininga si Kenneth. “Pero Kuya…” “Walang ‘pero.’ Alam mo naman kung gaano nakakasama

