“Ilang araw mo na ako iniiwasan, ano bang nagawa ko sayo na mali?” malambing na tanong sa akin ni Jevie. Pinuntahan pa ako nito sa aking trabaho ngayon. “Don't overthink, Jevie. Sadyang busy lang talaga ako at sobrang pagod. Pagdadahilan ko sa dalaga na hindi umimik at nakatingin lang sa aking mukha, na iniwasan ko naman ng tingin. “See? Alam kong meron, wag ka tumanggi. Hindi ko alam paano manuyo ng tao, lumaki ako na mag-isa lang. Kami naman ni Brayell, hindi kami nagkaroon ng tampuhan kahit minsan. He’s a walking green flag male to me. Kung may nagawa man ako, sana sabihin mo sa akin, dahil may mga bagay na hindi saklaw ng isip ko. Kung patuloy mo ako na iiwasan, sasama ng sasama ang loob mo sa akin at ako naman ay mag-ooverthink, lalaki ang hindi natin pagkakaunawaan, baka humant

