Matanda na kami, yes pati ako ay may edad na rin. Ngayon ay lampas na sa kalendaryo ang edad ko at papunta na nga sa bingo card, ang biruan namin madalas mag-iina. Mahigit singkwenta na ang dalawang-asawa ko, at sa mga taon na lumipas, wala kaming hindi napagkasunduan. Ngayon ay malaki na ang triplets, bente-uno anyos na sila at sa murang edad, sila na rin halos ang namamahala sa kumpanya. Nagkaroon pa ako ng isang anak na babae, si Annabel. Ito ang pinaka pasaway sa mga anak ko, kung sino pa ang nag-iisang babae. Mas gusto tumira sa lumang bahay ko at mas gusto mamuhay bilang mahirap. Hindi ko minsan maintindihan, kung ano ang trip sa buhay. Napangiti ako ng may humaplos sa balikat ko. Nagkakape kasi ako at dito sa bahay, kami na lang tatlo halos ang nakatira. Ang mga bata ay may ka

