Habang nakaupo ako sa airport, parang gusto ko umiyak. Isipin ko pa lang na hindi na ako babalik kay Jevie, nalulungkot na ako. Pero hindi ko naman kaya makita siya na laging nakaupo, nakatingin lang sa kanyang kamay, kung saan may nakasuot na singsing. Ang imahe nito sa ganung tagpo ay paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan. Nakatitig sa singsing na hindi galing sa akin. Parang may isang malaking pader na humaharang sa aming dalawa, isang pader na gawa sa takot at pag-aalinlangan. Takot na baka maulit ang nakaraan, ang sakit na naranasan niya kay Brayell. May pakiramdam ako na hindi niya alam paano tanggihan si Kuya. Parang hindi pa siya handa sa next level ng aming relasyon. Na para bang may takot siya, na baka maulit na naman ang nangyari. Naalala ko ang mga araw na halos mawalan

