Lahat-lahat ay narinig ni Damon ang pinag-uusapan nila Venice at Gret sa tulong ni Lucia na tinawagan siya. Nung una ay akala niya si Venice, pero 'yun pala ay si Lucia na ang bata-bata pa ay tila may tinatago ng pagkapilya. Tiyak na hindi alam ng asawa niya na narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. "Thanks, baby." mahina niyang sabi sa kabilang linya at binaba na ang tawag. Hindi niya kaya na umaalis ang asawa niya na kasama ang anak nila. Alam niya na nagkamali siya na masigawaan ito. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil kahit kailan ay hindi niya nais sigawan ang pinakamamahal niyang asawa. Pero dahil sa bugso ng damdamin niya ukol sa Papa niya ay hindi niya napigilan ang sarili. Napasandal siya sa inuupuan niya sa driver seat. Narito siya sa tapat ng condo ni Gret. Sinundan ni
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


