KABANATA 7

3494 Words
NGUMITI SI VENICE habang nakikipag-usap sila ni Gret sa isang CEO ng sikat na Magazine. "Napakaganda mo pala talaga, Venice. Kaya nga ng mapansin namin ang ilang pinagmodelohan mo na mga product at commercial ay naisip namin na ikaw ang kunin na cover girl sa next month issue na ilalabas namin." sabi ni Xonia, ang CEO. Mukhang nasa mid 30's pa lang ito base na rin sa itsura nito. "Salamat po at napansin n'yo ako. Matagal ko na pong pangarap na maging cover girl ng magazine n'yo kahit isang beses lang. Kaya laking tuwa ko nga po at kinuha n'yo ako." nakangiting sabi ni Venice at sumulyap kay Gret na ngumiti din. "Huwag kang mag-alala, hija. 'Pag pumatok itong cover mo at mapansin ng mga tao, baka magtuloy-tuloy ang career mo." wika nito. "Sana nga ho." tugon niya sa maganda nitong sinabi. "O, siya. Mauna na kami para maghanda sa flight natin mamaya." sabi ni Xonia at tumayo na. Tumayo na din si Gret at Venice para samahan ang mga ito sa baba. Masaya ngayon si Venice at napansin na pala siya ng isa sa sikat sa industriya na magazine. Akala niya dati ay hanggang tingin na lamang siya sa magazine ng idol niyang si Miss Gwen. Sana ay ma-meet niya ito in person. Ngayon ata ay hindi na modelo si Miss Gwen, dahil isa na itong CEO ng isang sikat na victoria secret. Ito na ang kumukuha ng mga modelo na dati ding trabaho nito. Walang masagap na balita si Venice sa katauhan ni Miss Gwen, dahil masyado daw itong pribado at ayaw magpapa-interview about sa pamilya at lovelife. Naiintriga man siya ay patuloy pa rin ang paghanga niya rito. "Oh, Venice. Magpa-spa ka kaya para fresh ka sa mga pictorial mo.. Kailangan mong maging angat para ma-curious sa 'yo ang tao at baka magkaroon ka ng tagahanga." suhesyon ni Gret. "Sige, pero magpapaalam muna ako kay Damon, baka magalit 'yon." sabi niya. "Kaloka naman! Magpapa-spa na lang kailangan mo pang magpaalam. Over sa pagka-possessive ang boyfriend mo, Venice, ha!" asar na sabi nito. Natawa siya sa lintaya nito habang patuloy sa pagra-rant sa boyfriend niya. "Magta-taxi ba tayo patungo ng mall?" tanong niya rito habang palabas sila ng F&S company. "Oo. Sira kasi ang kotse ko." sabi nito kaya tumango siya. Nag-abang sila ng taxi at swerte mayroon agad na parating. Pumara sila at sumakay. Sinabi ni Gret ang pupuntahan nila habang siya ay nilabas ang cell phone para sabihin kay Damon na 'wag na siyang sunduin. Sinend niya ang message pero wala na pala siyang load. Binulsa na lang niya ito at sa mall na lang siya magpapa-load. Pagdating nila doon ay nagtungo sila sa isang spa. Nagpa-spa siya ng katawan habang si Gret ay nagpa-massage lang ng kamay at paa. Sa sarap ng pagmamasahe sa katawan niya ay hindi niya mapigilan na mapaidlip. Ginising lang siya ng tapos na. Nagbihis siya at lumabas na sila na magaang na magaang ang pakiramdam. Naisipan nila ni Gret na kumain muna dahil nakaramdam sila ng gutom. Sa isang chinese restaurant nila naisipan kumain. Mukha masarap ang mga pagkain, lalo't mayroon sa menu ang chicken feet. "Konti lang orderin mo, Nice. Baka tumaba ka sa rehistro ng camera." paalalanan ni Gret matapos masabi ang order nito. "Kahit naman marami akong kinakain hindi ako tumataba. Kaya 'wag mo na akong alalahanin." sabi niya rito at tinuro ang oorderin niya. Nag-kwentuhan pa muna sila habang naghihintay ng order ng maalala niya na hindi pa nga pala siya nakakapag-text kay Damon. "God, Gret! Wala pa nga pala akong load. Hindi ko pa nate-text si Damon." nababahalang sabi niya habang kinukuha ang cell phone. Lalo syang nabahala na patay pala ang cell phone niya. Tinesting niyang buhayin pero lowbat na pala. Hindi niya napansin 'yon kanina.. "Sige, ipapa-load kita at may ipapa-load din ako." sabi ni Gret. "Pero lowbat na ang cell phone ko." nanlulumong sabi niya. "Edi, maki-charge ka muna kahit saglit. Baka payagan ka." suhesyon nito. "Oo nga noh. Hihihi! Sige pa-load mo din ako." natatawang sabi niya.. Bakit hindi niya naisip 'yon? Umirap sa kanya si Gret kaya napangiti siya. Tumayo na ito kaya tumingin siya sa mga waiters para magpasuyo. Sinenyasan niya ang isang waiters at agad na lumapit sa kanya. "Kuya, pwede bang makisuyo. Puwede bang mag-charge ng cell phone dito? Lowbat kasi at may tatawagan lang ako na importante." tanong niya rito. "Sandali lang, Ma'am. At itatanong ko lang po sa manager namin kung pu-pwede." sabi nito kaya tumango siya.. Humigop muna siya ng tea na hinanda sa kanila habang naghihintay. "In ferness masarap ang tea nila." komento niya ng matikman ang tea. "Venice, ikaw ba 'yan?" napaangat siya ng tingin ng makarinig ng pamilyar na boses. At kung mamalasin ay ang dati pa niyang ex-boyfriend ang bumungad sa kanya. "Oo, ako nga. Anong ginagawa mo dito?" mataray na sabi niya at nilapag niya ang baso ng tea sa lamesa. "Manager ako ng restaurant na ito, at hindi ako lumapit sa 'yo para makipag-away. Nasabi kasi ng waiters ko na may icha-charge ka daw. Bawal sana pero kilala naman kita kaya akin na." mahinahon nitong sabi. "Huwag na. Baka lagyan po ng s*x video mo ang phone ko." prankang sabi niya na kinaubo nito at nang waiter. Napansin niya ang tinginan ng mga tao, kaya nahiya din siya tila napalakas ang boses niya. "Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang talaga makabawi sa nagawa ko. Alam ko ang kasalanan ko at kahit dito lang ay mabawasan ang kasalanan ko." sabi nito. "O, sige. Subukan mo lang pakialaman ang phone ko, yari ka sa akin." mataray na sabi niya at inabot ang cell phone niya. Inabot naman nito 'yon at nagpaalam na tutungo ng opisina nito. Ilang saglit lang ay dumating na ang order nila at dumating na din si Gret. Na-e-enjoy nila ang pagkain dahil masarap ang inoder nila. Sarap na sarap siya sa chicken feet, kaya naubos niya. Nagpahid siya ng nguso at uminom ng tubig. Tinikman niya ang mango fruit shake na inorder niya at nasarapan siya dahil purong mangga ang nalasahan niya. "Rest room lang ako, Nice." paalam ni Gret matapos silang kumain. "Sige. Bilisan mo at ako naman ang sunod." bilin niya rito. Tumayo na ito kaya naiwan siya. Nakita niya si Vince, 'yung ex-boyfriend niya, na bitbit ang phone niya. 'Siguro may battery na.' ani ng isip niya. "Venice, heto na, full charge na." sabi nito at agad na inabot ang cell phone niya. Kinuha niya 'yon at binuhay. Napansin niya na hindi pa ito umaalis kaya nakataas ang kilay na tinignan niya ito. "Oh? Ano pang ginagawa mo dito?" tanong niya rito. Kahit na pinayagan siya mag-charge ay akala nito na gano'n-gano'n na lang. Irita pa rin siya rito. Nabigla siya ng maupo ito kung saan nakaupo si Gret. Tumingin ito sa kanya na may pagsisisi sa mukha. "Venice, patawarin mo na ako. Nagsisisi talaga ako at pinagtaksilan kita. Hindi ko naman sinasadya. Sana ay bigyan mo ako ng chance na patunayan sa 'yo na nagsisisi ako." pagsusumamo nito. "Oh, talaga? Pero sorry ka na lang may boyfriend na ako. Kaya ikimkim mo na lang ang pagsisisi mo sa sarili." pranka niyang sabi. Anong akala nito na hindi pa siya nakaka-move on? At akala ba nito mauuto siya? Hello! Mas hamak na gwapo si Damon at swerte niya rito. Kahit magmakaawa pa ito ay hindi niya ipapagpapalit si Damon para rito. "May boyfriend ka na? Ano, mas gwapo ba sa akin? Baka naman walang binatbat 'yon at mas marami pa akong pera. 'Pag nakipagbalikan ka sa akin ipapangako ko na hindi na kita pagtataksilan." "Tsk. Umalis ka na nga sa harap ko. Kahit ano pang sabihin mo, wala ka sa kalingkingan ng boyfriend ko." iritang niya sabi. Nakita niya si Gret kaya tumayo na siya. "Let's go, Gret." aya niya rito. Nagtataka man si Gret ay tumango ito at naglapag ng pera sa table. Nauna na siyang tumalikod para lumabas. "Nice, anong mayroon at nilapitan ka ni vince na ex mo?" usisa ni Gret habang palabas sila ng mall. "Gustong makipagbalikan. Haler! Hindi ako tanga para makipagbalikan. Saka kahit anong gawin niya ay wala na akong feelings sa kanya. Grabe! Ngayon ko lang napagtanto, pumatol ako sa hindi naman ka-gwapuhan pero malakas ng loob magtaksil. Hay! Buti na lang at nakilala ko ang Damon ko." sabi niya. "Aray! Bakit ka ba nanghahatak ng buhok?" inis niyang sabi kay Gret dahil hinatak nito ang dulo ng buhok niya. "Naku, Venice. Kahit napakagwapo ng boyfriend mo, kung hindi mo pa rin lubusang nakikilala ang buong pagkatao niya ay dapat doon ka mabahala. Paano kung nanakit pala siya? Paano kung gaya ng ginawa ng ex mo, ipagpalit ka rin? Masasabi mo pa kaya 'yan?" paalalanan nito. Umirap siya sa sinabi nito. "Bakit ba ang sama lagi ng komento mo kay Damon?" naniningkit ang mata niya na tinignan ito habang nakahinto sila sa isang restaurant. "Siguro may gusto ka sa boyfriend ko, ano? Kaya sinisiraan mo siya?" mapanghinala niyang tanong. "Sira! Kahit type ko ang boyfriend mo, hindi ibig sabihin no'n may gusto na ako. Alam mo naman na tinuring kita na parang kapatid, kaya ayoko na sa bandang huli ay iiyak kang muli dahil sa pag-ibig." sabi nito kaya napangiti siya sa sinabi nito. "Thank you at lagi mo akong inaalala. Pero tiwala ako na hindi ako pagtataksilan ni Damon. Kailanman ay hindi siya tumingin sa ibang babae." siguradong-sigurado na sabi niya rito. "Sigurado ka talaga, ha? Paano kung makita mong may ka-date siya na ibang babae? Ano, sigurado ka pa?" sabi nito na kinakunot ng noo niya. "Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan niyang tanong rito. Tinignan niya ito at napansin niya na nakatingin ito sa likod niya. Lumingon siya sa likod niya at salamin ng isang high class restaurant ang bumungad sa kanya. Tumingin siya sa loob at na-pokus ang mata niya sa isang lalaki na seryosong nakikipag-usap sa isang babae. Si Damon at Celine. Hindi niya alam kung bakit tila nahihirapan siyang huminga habang tinitignan ang pagpunas ni Celine sa labi ni Damon na tila ayos lang dito. Tumalikod siya dahil hindi niya pala kayang makita na may ibang kasama si Damon na ibang babae. "Ano, iiyak ka na lang d'yan? Bakit hindi mo puntahan para malaman mo ang totoo. Hindi ganyan ang Venice na nakilala ko." sabi nito. "Huwag na. Tara! Baka ma-late pa tayo sa flight." walang emosyon niyang sabi at nauna nang lumakad palabas. Lutang na lutang ang pakiramdam niya. Hindi niya maalis sa isip niya ang tagpong nakita niya. Napatingin siya sa cell phone niya at napatingin sa number ni Damon. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba niya ito para komprontahin. Nang akmang pipindutin na niya ay napatalon pa siya sa gulat ng biglang may tumawag. 'Si Damon!' ani ng isip nya. Humugot muna siya ng malalim na hininga at inayos ang sarili.. Tumikim muna siya bago sagutin ang tawag. "Hmm.. Bakit?" hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin niya? "Are you okay, babe?" nag-aalala nitong tanong. "Oo, ayos lang ako. Bakit ka nga pala tumawag?" sabi niya rito. "Kanina pa kita tinatawagan, pero patay ang cell phone mo. At ayaw mo ba akong tumawag sa 'yo? May ginagawa ba akong mali?" "No, no.. Inaantok lang ako. At na-lowbat kasi ako, kaya siguro hindi mo ako natawagan." agad niyang pinasigla ang boses para hindi manghinala na may kakaiba sa kanya. "God! I thought I did something wrong. Kinakabahan ako ngayon." natatawa nitong sabi. Napayuko siya at mapait na napangiti. "Bakit ka naman kakabahan kung alam mo sa sarili mo na wala ka namang ginagawa na masama, 'di ba?" seryoso niyang tanong. "Yeah. Hmm.. Babe, baka hindi kita maihatid sa airport. I have an important deal with my investor right now." Napakagat-labi siya dahil nangangatog na 'yon sa nagbabadya niyang pag-iyak. "It's okay. Sabay naman kami ni Gret, kaya wala kang dapat na alalanin pa." tugon niya. "Okay. Thanks, babe." sagot nito.. Nag-iisip pa siya kung tatanungin ba niya ito? Pero nilakasan na niya ang loob para makumpirma kung magsasabi ito ng totoo. "Damon.." tawag nya rito. "Yes?" "Nasaan ka ngayon?" hindi siya nagpahalata na nanghihinala siya. Matagal bago ito nakasagot. "I'm just here in my office, why?" Dahil sa naging sagot nito ay hindi niya mapigilan na tumulo na ang luha. He lied to her. Hindi niya sigurado kung first time nitong mag sinungaling, pero ngayon ay nagduda na siya. "Nothing. Sige, ibababa ko na para makapag-concentrate ka sa trabaho mo." sabi niya rito. "Wait! Babe!" "Bye!" sabi niya rito at pinatay na ang tawag. Mahigpit na napahawak siya sa cell phone habang nakatungo. Bakit kailangan pa nito na mag-sinungaling? Maiintindihan naman niya kung inutos ng Mom nito 'yon. Wala naman sigurong masama kung sabihin nito kung nasaan talaga ito. "Oh, ngayon iiyak ka na naman? Sinabi ko sa 'yo na puntahan mo para malaman mo. Malay mo mali ka o ako ng akala." sabi ni Gret sa kanya na nasa tabi niya. Lulan na sila ng taxi papunta ng condo niya. "Kung nagpakita ako doon.. Anong gagawin ko? Mag-e-eskandalo? Sisingit sa usapan nila? Mabuti pa nga at hindi ko nagawa. Ngayon tinanong ko siya kung nasaan siya, sinabi niya na nasa office daw siya." mapait niyang sabi. "Malay mo naman na ayaw lang niya na mag-isip ka kung bakit kasama niya 'yung babae." Hinarap niya ito dahil tila nagbaliktad ang mundo. Bakit tila pinagtatanggol naman nito si Damon. "Bakit tila kampi ka na sa kanya ngayon, Gret?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Huminga ito ng malalim at inakbayan siya. Sinandal niya ang ulo sa balikat nito. "Ayoko naman na umiyak ka sa maling akala. Alam ko na hindi pa ako one hundred percent na tiwala sa boyfriend mo, pero hindi ko naman gusto na masira kayo na hindi nakukuha ang side ni Damon. Kapag nagharap kayo ulit ay tanungin mo siya. At kung ang hinahanap mong kasagutan ay nasagot, alin lang doon iyon: Umiyak ka o Makahinga ng maluwag dahil mali ka sa iyong akala. Kaya kung ako sa 'yo ay 'wag mo munang isipin 'yon. Dapat ay nasa sarili ka 'pag kinukuhanan ka na. Baka kakaiyak mo mamaga ang mga mata mo." payo nito. Napahinga siya ng malalim at umayos siya ng upo bago hinawakan ang dalawang kamay nito. "Thanks, Gret. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Noon, akala ko wala na akong masasandalan, pero ng makilala kita ay para na rin ako nagkaroon ng pamilya ng dahil sa iyo. Thank you talaga." buong pusong sabi niya kay Gret. "Walang anuman, Venice. Simula din naman ng itakwil ako ng magulang ko ay naging tulad mo din ako na naghahanap ng masasandalan. Ikaw lang naman nag-tyaga sa baklang tulad ko." "Ano ka ba! Kahit naman iba ka, hindi naman ibig sabihin no'n na ibababa muna ang pagkatao mo. Minsan nga mas mabuti pang maging kaibigan ang tulad n'yo kaysa sa babae ang maging friend ko. Dahil ikaw, alam ko, wala kang itinatago sa sarili mo. Hindi ka nakikipag-plastikan sa akin. Kapag may problema ako ay palagi kang nand'yan at handang tumulong, hindi mo ako iniwan. Kahit nung ma-heart broken ako, ikaw ang tumulong sa akin kung paano ngumiti kahit nasasaktan. Kaya kahit sino ang makilala sa 'yo ay tiyak na magugustuhan ka." nakangiti niyang sabi rito. "O, siya, siya! Tapos na tayo sa papurian. Dahil nandito na tayo sa condo mo, ayusin muna ang gamit mo at susunduin na lang kita dito." sabi nito. "Manong! Pakihinto lang po saglit d'yan sa harap ng condominium. Baba lang ang friend ko." sabi nito sa driver ng taxi. Bumaba siya at kumaway dito. Nang makaalis na ito ay lumakad na siya. Umakyat na siya sa condo unit niya para mag-ayos na ang gamit niyang dadalhin. MABILIS LANG LUMIPAS ang oras at sakay na sila ng eroplano. Hindi naman sa nag-iinarte siya, pero bakit hindi na ulit tumawag si Damon? Pero inalis na muna niya ang negative thoughts na nasa isip niya. Baka busy na ito sa sinasabi nitong deal. Natulog na lang siya sa buong byahe. Baka 'pag sa pictorial ay maging zombie siya. Siguro mahigit dalawang oras lang ay nakarating na sila sa macau. Sakay sila ng isang isang tour car habang tinutungo ang hotel na tutuluyan nila. Manghang-mangha siya sa ganda, linis, at makulay na lugar ng macau. May isang mataas na fountain silang inukutan bago sila huminto sa entrance ng isang napakalaki at nakakalula sa ganda na hotel. Hindi niya alam kung nasa museum ba siya sa ganda ng loob ng hotel. Nag-check-in sila at hiwalay siya ng room kay Gret. Syempre lalaki pa rin ito at babae siya. May isa lang din siyang babae model na kasama sa room, pero ayos lang, mabait naman ito at madaling makisama. Naglinis siya ng katawan at nagbihis ng white polo shirt na mahaba ang manggas. Pinaresan din niya ng black maong short. Tinuck-in niya 'yung polo sa short at tinupi niya ng kaunti ang manggas ng polo. Habang ang buhok niya ay pinusod na pa-messy buns. Nag-lipstick siya ng dark red lipstick, tapos konting powder lang. Nang ma-satisfy siya ay sinuot na niya ang rubber shoes na white na terno sa suot niya. May usapan kasi sila ni Gret na mamasyal muna habang hindi pa oras ng photoshoot, kaya susulitin muna nila ang pamamasyal sa macau. Tinawagan lang niya si Gret na maghihintay siya sa lobby. Naupo muna siya sa isa sa couch sa lobby at kumuha ng magazine para basahin habang hinihintay si Gret. Tungkol sa mga puwede pasyalan sa macau ang topic ng magazine. Kaya na-enganyo siya na basahin. Habang nagbabasa siya ay parang may something strange siyang napi-feel. Para bang may matang nakatingin sa kanya. Nilibot niya ang tingin para hanapin, ngunit wala naman siyang nakita. Kinikilabutan siya sa klase ng tingin na 'yon. Para bang bantay na bantay ang galaw niya. "Halika na, Venice." napatalon siya sa gulat ng may humawak sa balikat niya. Napahawak siya sa dibdib at tumingin kung sino ba 'yon? Nakahinga siya ng maluwag na si Gret lang pala iyon! "Ikaw pala 'yan! Ginulat mo ako." sabi niya at tumayo na. "Bakit naman para kang nakakita ng multo?" tanong ni Gret. "Para kasing may nagmamasid sa akin. Kaya napatalon ako sa gulat ng tapikin mo ang balikat ko." sabi niya rito. "Ngayon ba may nararamdaman ka pa?" tanong muli nito. "Wala na. Baka guni-guni ko lang." sabi niya at umiling siya. "Good. Dahil kailangan mo talagang mag-enjoy. Kung ano-ano na ang iniisip mo." payo nito. Ngumiti siya dahil tama ito. Una nilang pinasyalan ay 'yung mama na kumakanta habang nagsasagwan sa mahabang bangka. Natutuwa siya dahil ang ganda 'pag nakasakay ka na. Tapos kahit hindi niya alam ang lengwahe na kinakanta ng lalaking kumakanta ay dama niya 'yung pagkanta nito. Para bang nasa simbahan 'pag kumakanta ito. Pagkatapos nila doon ay pinasyal nila ang St. Dominic's Church. Nag-selfie talaga sila doon dahil baka wala nang pagkakataon na makapunta ulit. Dapat sinusulit na. Marami pa silang pinuntahan at naisipan nilang kumain na sa isang restaurant. Mistral ang name ng restraurant near in Sofitel Macau at Ponte 16. Agad silang nilapitan ng waiters at hinanap sila ng seat for two. At doon sa medyo gilid mayroon pa. Naupo sila habang nililibot niya ang tingin. Mamahalin pala ang napunta nilang kainan, kaya tumingin siya kay Gret. "Gret, hindi kaya mahal dito?" binulong lang niya iyon, dahil baka may makaintindi at sabihan pa siya na ignorante. "Yes, mahal nga, pero ayos ang food nila dito at masarap." tugon ni Gret habang tumitingin sa menu. Nakibat-balikat na lang siya at tumingin din sa menu. Pero pumipili pa lang sila ng may naglapag nang pagkain sa lamesa nila. "Wait! We did not order this. I think you served to a wrong table." sabi ni Gret. "The VIP costumer order this food for this beautiful lady." sabi nito at tinuro siya. Tinuro pa niya talaga ang sarili tila nabibingi siya. Tatawagin pa sana niya ang waiter ng bigla na itong umalis. Tumingin siya kay Gret na nakibat-balikat din tila hindi rin alam kung sino ang nagpapabigay ng pagkain. "Kalurkey ka, Nice. Dahil sa beauty mo may pagkain na agad tayo, libre pa. Hanggang dito umaabot pa rin ang charms mo." nanunuksong sabi ni Gret. "Gret, baka may hidden agenda ang nagbigay nito? Baka mamaya abangan na lang tayo sa labas." sabi niya rito na nangangamba. "Gaga! Ikaw na nga ang nilibre, ayaw mo pa. Namnamin mo na lang at tingin ko nagandahan sa iyo kaya nilibre ka." sabi ni Gret. "Aist! Wala ka sigurong pera, no? Kaya pinagpipilitan mo ito." ungos niya rito. "Sira! Aayain ba kita dito kung wala na akong pera. Hay! Bahala kang lukaret ka, basta ako kakain na. Minsan na lang maghulog ng grasya, aayawan mo pa." imbyernang sabi nito. Umirap siya at walang nagawa kundi kainin ang bigay ni Mystery Man. Nilibot niya ang tingin dahil may nararamdaman na naman siyang nakatingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD