Kanina pa tinitigan ni Venice ang papel na inabot ng Mama ni Damon sa kanya. Nasa F&S Company siya dahil doon siya natulog. Wala pa siyang condo na nabibili na malapit. Ayaw naman niya sa mansyon ni Damon dahil tiyak na masasaktan lang siya. Naunawaan naman nito at nais sana nito na doon siya sa condo nito ang kaso ayaw niya dahil mas lalong nakakaawa siya kung si Damon na naman ang gagastos. "Bes, may nakita na akong condo na malapit lang dito." pukaw sa kanya ni Gret. Nahihiya siya dito dahil puro sakit sa ulo nalang ang lagi niyang binibigay rito. 'Yung sasakyan nito ay binayaran niya ang kaso ay ayaw nito. Kasalanan naman daw nito kung bakit nasira. Hindi pa daw kasi na drive test iyon. Second hand iyon na kabibili palang mula ng gamitin niya. Nireklamo na iyon ni Gret at binalik ang

