XXIV

1521 Words
Pinanood ni Teresa si Alonzo at ang kanyang Ma’am Thalia habang isinasakay ng asawa nito ang mga gamit ng babae sa likod ng Jaguar na sasakyan nito. Nasa ikalawang palapag siya ng mansiyon ng mga ito at naglilinis nang mapadaan siya sa isa sa mga malalaking bintana at nakita niya ang mag-asawa. Babalik na kasi ito sa X at uuwi na lang kapag nakakita ng pagkakataon. Pagkakataon na rin iyon para sa kanya upang maisakatuparan ang kanyang plano. “So, you’re accepting Thalia’s request?” dinig niya na sabi ni Alessandro Romano mula sa suot niyang earpiece. Mahina siyang tumawa at nagsalita. “Do I have any other choice, Mr. Romano? Isa pa, kapag hindi ko tinanggap ‘yon, baka maghinala siya. Oh, and besides, I’m not going to report everything, Alessandro. Hindi naman ako tanga.” Tumawa ito. “You’re playing with fire, Belladonna. Hindi ka ba natatakot na baka may naka-espiya rin sa ‘yo?” Ngumisi siya. “Don’t you trust me? Kapag nakuha ko ang loob ng kapatid mo, magiging maayos ang lahat, Alessandro. So put your faith on me,” saad niya bago pinatay ang earpiece na suot at inilagay sa bulsa ng kanyang unipormeng pangkatulong. Ipinagpatuloy niya ang pag-va-vacuum sa ikalawang palapag hanggang sa malinis niya na ang buong kabahayan. Sa pagkakaalam niya ay inihatid ni Alonzo ang asawa nito kaya naman hindi pa ito bumabalik. Napasulyap si Teresa sa orasan. Malapit nang mag-alas-dose ng tanghali. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago tumayo at tiningnan kung ano ang maaari niyang lutuin. Halos isang oras din yata ang lumipas bago niya marinig ang pamilyar na yabag ni Alonzo sa may entrance ng malaking mansiyon. Kaagad niyang hinubad ang kanyang suot na apron para sana salubungin ang lalaki ngunit siya ang nagulat nang makabungguan niya ang malapad na dibdib nito. “Sir…” Napalunok si Teresa. Hinagod niya ang kanyang buhok at naiilang na tumawa. “And’yan na po pala kayo… Luto na po ang tanghalian, puwede na po kayong kumain.” Tumikhim naman ang lalaki at nag-iwas ng tingin. “Kakain ako mayamaya. Magbibihis lang ako.” Pinanood niya hanggang sa mawala ang pigura ng lalaki sa madilim na pasilyo. Tsaka lang siya nakahinga nang maluwag at nag-umpisa nang maghain nang marinig niya ang pagsara ng pinto sa ikalawang palapag. Tama nga si Alessandro. Para siyang magkakaroon ng atake sa puso kapag nasa malapit ang kakambal nito. There was something about him. Or maybe, she was just plainly excited because this would be her first mission after she left the agency. Nang makapasok siya sa dining hall ay nakaupo na ang lalaki at kumakain. Inilapag niya ang juice sa harapan nito at akmang lalabas ng silid nang umalingawngaw ang baritonong tinig nito sa silid. “Sabayan mo ako kumain, Esay.” Napalingon siya sa amo. “Po? Huwag na, Sir—” Ngumiti ito at itinuro ang upuan sa kaliwang bahagi nito. “I insist.” Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata sa paghihinala ngunit pinaunlakan niya pa rin ang alok nito. Nagugutom na rin naman na siya. Marahan siyang kumuha ng pagkain sa mga nakahain at kiming inumpisahan ang pagkain sa sarili niyang luto. Hindi naman niya masasabi na magaling siya ngunit hindi niya rin naman masasabi na hindi siya marunong kaya naman kahit papaano ay nasikmura niya ang kanyang mga putaheng ginagawa. Kunsabagay, dahil na rin sa trabaho ng kanyang ama ay kinailangan niyang matuto nang maaga kung paano mamuhay mag-isa. “I know you’re working for my wife, Esay.” Natigilan siya sa pagnguya. Parang bumara sa lalamunan niya ang kanin at ulam na kakalunok niya pa lamang. Napasulyap ang dalaga sa lalaki. Blanko ang ekspresyon nito ngunit alam ni Esay na marami itong nalalaman kaya hindi niya na sinubukan pang magsinungaling. Ibinaba niya ang kanyang kubyertos at tumitig sa plato, kunwari ay tila batang nabuko na may ginagawang kalokohan. “Sir, pasensya na, sabi lang naman ni Ma’am e bantayan ko raw po kayo—” “I’m not mad. Nangyari na ‘to at kahit hanggang ngayon e alam kong bantay-sarado ako ni Thalia. I already had gotten used to it,” kalmanteng sabi nito bago pinunasan ang labi nito at sumulyap sa kanya. Ngumiti. “Though, I might ask you for a favor now, Esay.” Hindi siya umimik. Hinintay niya ang ilalatag na kagustuhan ni Alonzo. Somehow, she found a small glimmer of hope in the situation. Besides, nagtatrabaho siya para kay Alessandro, hindi para kay Thalia. Kung ano man ang makakabuti sa sitwasyon, palaging si Alessandro ang amo na pipiliin niya. Malaki ang utang na loob niya kay Alessandro Romano. At kahit na kinamumuhian niya ang kapatid nito, hindi naman siya ingrata para hindi tumanaw ng utang. “I’ll get to know what kind of report you’re going to send to my wife. I’ll tell you what not to tell her and what you should tell her. Let’s just say that you have to… well, lie a little bit.” Napalunok siya. Tumaas ang kilay ni Teresa. “Bakit ko naman po gagawin ‘yon?” Ngumisi ito. Ang ngisi ay napunta sa isang malakas na halakhak. Nakibit-balikat ang lalaki at pinaglaruan ang wine na nasa baso nito. Lumamlam ang mga mata ni Alonzo habang hindi naman mapigilan ni Teresa na mamangha at magtaka na rin sa mga inaakto nito. “Ayaw kong mag-alala siya habang nasa X siya. My Thalia’s been under a lot of stress lately. Ayaw ko naman na pati ang kapatid ko, problemahin niya pa. Matagal ko nang iniwan ang buhay ko roon at dapat na ‘yong kalimutan pa ng kakambal ko.” Nagkunwari na nag-aalangan si Teresa. Napahawak siya sa kanyang siko at nakangiwing sinulyapan ang amo. “E, Sir Alonzo, ayaw ko namang galitin si Ma’am—” Mahina itong natawa. “Sino ba naman ang may lihim na ipagkakalat nila sa iba, aber? This would be our dirty little secret, Esay. Let’s say, your little blackmail to me. How does that sound?” She was speechless. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang magtiwala sa lalaki o hindi, lalo na at alam niya na madali lang para rito na ilaglag siya sa asawa nito. God knows what Thalia might do to her, let alone foil her plans. But if she would not agree with Alonzo’s proposal, it might be a disadvantage to her too. Nagpakawala na lang si Teresa ng malalim na buntong-hininga. “Okay po, Sir… Pero sana kapag nagkagipitan na, huwag n’yo akong ilaglag kay Ma’am…” Umiling ito at tumawa. “No, we’re good. Sagot kita, Esay.” Bagaman kinakabahan at may kaunting alinlangan ay napansin niya na mukhang sinsero naman ang lalaki sa sinabi nito. Ngunit siguro ay likas na rin sa kanya na hindi magtiwala kaya naman nang makaakyat ito sa silid nito noong kinagabihan para magpahinga ay kaagad niyang tinawagan si Alessandro. Nagulat naman siya nang sabihan siya ng lalaki na susunduin siya nito at ni Xiao Feng kaya naman kinailangan ni Teresa na hintayin na maghatinggabi at siguraduhin na tulog na ang kanyang amo bago siya mabilis na tumalilis mula sa malaking mansiyon. Alonzo Idinilat ni Alonzo ang kanyang mga mata nang marinig niya ang pag-ingit ng pinto sa unang palapag. Alam niya na lalabas na naman si Esay. Hindi siguro nito napansin ang security camera na nakatago sa likod ng mga halamanan sa may likod-bahay nang umalis ito. Hindi niya sinundan ang dalaga. Masyado pang maaga para sundan ito at alamin ang totoong pakay nito sa kanila ni Thalia. Sa ngayon, may kailangan muna siyang alamin tungkol sa kanyang asawa. At sa tila libong mga bagay na inililihim nito sa kanya. Bumangon siya at nagsalin ng brandy sa kanyang baso. Kanina pa siya hindi dinadalaw ng antok, siguro ay dala na rin ng kutob niya tungkol sa kanilang bagong katulong. Naupo siya sa may terasa at pinagmasdan ang suot na wedding ring. Hinubad niya iyon. Binasa niya nang paulit-ulit ang nakaukit sa loob ng singsing. Ang petsa kung kailan sila ikinasal. Mahina siyang tumawa at ipinatong iyon sa ibabaw ng mga wedding photo, license, at certificate na nahalungkat niya sa study room ng kanyang asawa. Bukas, hahanapin niya pa ang ibang mga litrato na ipinapakita nito sa kanya noong nasa ospital siya. May kailangan siyang alamin. Kailangang siguraduhin. Strange, but even though his gut was telling him all the bad things about those two women, his heart still beats abnormally whenever they are near… Too abnormal that he could not even know for sure if he was falling for Teresa, or his old feelings for Thalia have become stronger than ever. Ngunit bilang isang Romano, natural na yata sa kanya at kay Alessandro na unahin ang kapakanan nila. Too bad for him, though. Nakataya rin ang kanyang nararamdaman sa laro na kanyang pinasok. At sa isang maling galaw, maaaring buhay niya ang maging kapalit, kung hindi man mawawasak nang todo ang kanyang puso. Matiim niyang tinitigang muli ang mga litrato at nilagok ang natitirang laman ng kanyang baso. “Dio mio, Thalia… Did you actually think you could fool me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD