I: It's Positive

1697 Words
Warning: Sensitive topic ahead. Sienna's POV Kaagad akong umuwi nang dahil sa insidenteng iyon. Pero bago ako tuluyang umalis kanina, tinapos ko ang huling utos sa akin ni Mr. Rozenov. At dahil nasa isang lunch meeting ito kanina, binigay ko ang folder sa isa sa mga pinagkakatiwalaan kong katrabaho na siyang mag-aabot sa kanya mamaya. Since earlier, I have been anxious and this caught Mei's attention. Si Mei ang best friend ko at nag-iisang anak na babae nina Mr. Chen at Mrs. Aileen Liu. They are my adoptive parents at simula nong nawala ang mga magulang ko mahigit isang dekada na ang nakakaraan, sila ang kumupkop sa akin. Si Mr. Chen ang pinakaclose na kaibigan ni papa. Kaya nong nalaman niyang naulila na ako, kaagad siyang nagdesisyon na kupkopin ako. And his decision became Mei's happiness. Best friend ko si Mei at matagal na niyang hiniling na sana naging kapatid na lang niya ako. Well, after that day, I really became one. "Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, umuwi ka na lang sa bahay." Suwestiyon nito habang taimtim na nakatingin sa akin. Kumuha ito ng isang kutsarang ice cream sa tupperware na hawak-hawak nito atsaka sinubo sa akin. "Pwede ka ba niyan?" Tanong ko habang nakatingin sa ice cream kong siya ang kumakain. "No but whatever, mom's not here." Napailing na lang ako sa kanya. Tita Aileen is so strict when it comes to Mei. Mula sa suot hanggang sa kakainin nito. She is Mei's manager. Isang modelo si Mei ngunit mas gusto niyang maging marketer kaya paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kompanya ng kanyang ama para gampanan ang kanyang trabaho bilang isang marketing specialist. At dahil diyan, madalas silang nag-aaway ng kanyang ina. "Ano? Sumama ka na lang sa akin ngayon, don tayo magdinner sa bahay." Pangungulit na naman nito. Simula nong nakapagtapos na ako ng kolehiyo, nagdesisyon akong mamuhay ng mag-isa. I want to be independent. Tsaka kahit na sabihin nating mahigit isang dekada na akong nakatira sa mansyon ng mga Liu, andon parin yung hiya ko. Iba naman kasi talaga kapag nasa mismong bubong ka ng kadugo mo. "Mei, hindi ako baldado. Kinabukasan ay kailangan ko ring magtrabaho ulit kaya dito lang ako." Napanguso ito tuluyang binalik ang takip ng ice cream. "Ano ba kasi ang nangyari at bigla na lang sumama yang pakiramdam mo? This is the first time something like this happened to you. Sa sobrang in love mo kay Pierre, hinding-hindi ka aabsent kahit na bali-bali na 'yang mga buto mo." I secretly bit my inner cheeks when she said that. Oo, alam ni Mei ang kabaliwan ko pagdating kay Pierre. Wala akong ibang mapagsasabihan kung hindi siya lang. "Oh my god!" Napakurap ako ng biglang tumaas ang kanyang boses atsaka nakaturo sa akin ang dulo ng kanyang kutsara. "Did he lay his hands on you?!" Kaagad niyang sabi atsaka mabilis na ininspeksyon ang buo kong katawan. "M-Mei! Teka lang, hindi! Hindi niya ako sinaktan." Doon lang siya huminto ngunit patuloy paring naniningkit ang kanyang singkit na mga mata. Mas lalo itong sumingkit. "You're hiding something from me." "H-Ha? Wala no." I instinctively cover my stomach with my blanket. Hindi pa naman talaga sigurado dahil hindi pa ako nagpatest. Pero kanina, dumaan muna ako sa isang pharmacy atsaka bumili ng pregnancy test. Ngunit nang dumating si Mei rito ng walang pasabi ay hindi ko ito kaagad nagamit. Mei raised her eyebrow on me before standing up and decided to go back in the kitchen. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo na may nangyari sa amin ni Pierre. Knowing Mei, she will do everything para lang makasiguro na sa huli ay hindi ako ang kawawa. Kung malaman niya ang tungkol dito, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Kaya medyo natatakot rin ako na malaman ni Mei ang totoo. For now, it's better to just keep it to myse-- Natigilan ako sa aking pwesto nang makita ko ang hawak-hawak na box ni Mei habang nakatayo sa b****a ng aking pinto. Nabato ako at hindi makapagsalita nang makita ang gulat na gulat na mukha nitong nakatingin sa akin. "Sienna... what the hell is this?" Hawak niya ang pregnancy test na binili ko. PABALIK-BALIK itong naglalakad sa aking harapan habang sapo-sapo ang kanyang noo. "Mei, pwede bang umupo ka mun--" "Walang uupo hangga't hindi ko makukumpirma kung buntis ka nga o hindi." Kabang-kaba na ako habang hawak-hawak ang pregnancy test. Pinilit ako ni Mei na magtest kaagad dahil sinabi ko sa kanya ang sintomas na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw. I also told her the reason why I decided to come home early today. And with that, she ripped the box open and pushed me inside my bathroom to take the test. "Meron na ba?" "Wala pa." Mas lalo na rin siyang kinakabahan. Mei bites her nails when she's nervous. "Bakit ang tagal niyan?" "Mei, huminahon ka, okay?" Kaagad itong tumabi sa akin at pareho na kaming nakatingin sa pregnancy test. Nang may dalawang linya kaming nakita, tuluyan na akong nabato sa aking kinauupuan. And then there's silence. No screams. No movement. Not even a blink of an eye. Nothing at all. Kaagad akong napapikit atsaka napahilamos sa aking mukha. It's positive. I'm indeed pregnant. "Sino? Sino ang ama ng dinadala mo, Sienna?" Iyon kaagad ang bungad sa akin ni Mei pagkatapos. "H-Hindi ko alam." "Hindi mo alam?!" Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na isang suplado, walang pakialam sa iba lalo na sa akin, at antipatikong Pierre Ilya Rozenov ang ama ng dinadala ko. "Did you just sleep with a stranger?! Bakit hindi mo 'to sinabi sa akin kaagad?" Sing bilis pa ata ng kidlat kung makaiwas ako ng tingin sa kanya ngayon na sana ay hindi ko na lang ginawa. "You're lying. You're freaking lying!" Kaagad niyang hinuli ang magkabila kong braso atsaka ako pilit na pinatingin sa kanya ng deretso. "Was it Pierre?" "H-Hindi! Hindi si Pierr--" "Sinungaling! Kilala kita Sienna, kung may lalake ka mang gustong papasukin diyan sa buhay mo, si Pierre lang 'yon." May halong pag-aalala at galit ang boses ni Mei ngayon at sa tingin ko ay kung idedeny ko pa ang katotohan, baka tuluyan na niya akong masampal. Kaya dahil na rin sa bigat ng aking pakiramdam ngayon, tuluyan na akong napaiyak sa harap ni Mei. Napahagulhol ako dahil ngayong alam ko na ang totoo, hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Mei immediately pulled me in for a hug and cried with me. I know she's also terrified for me dahil sa kauna-unahang pagkakataon, pareho kaming walang kaalam-alam kung ano ang kailangang gawin. "He needs to know this. Kailangan niyang maging responsable sa ginawa niya sa'yo." "Mei, huwag... huwag mo 'yang gawin, please." "Anong huwag? Sienna naman, ano 'to? Pagkatapos niyang magpakasarap sa'yo, hindi ka niya paninindigan?" Tila isa itong sampal sa akin. "Pero malaking gulo 'to." "No! I'll call dad. He'll handle everything, trust me." "Mei! Makinig ka muna sa akin, kahit ngayon lang. Pakinggan mo naman ang desisyon ko." Naiiyak kong saad sa kanya. Nakita ko kung paano ito kinalma ang sarili bago ako hinayaang magsalita. I told her everything that bothers me. Bago pa ang resulta, napaisip na rin ako kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling buntis nga ako at sasabihin ko ito kay Pierre. Lucielle is back. Alam na iyon ni Mei dahil tulad nito ay modelo rin siya. And she knows the real score between Lucielle and Pierre. Nasa publiko ang tungkol sa relasyon nilang dalawa noon pa man. At isa pa, dahil na rin sa negosyo na meron ang pamilya ni Mei, kilala niya si Pierre at kilala rin ni Pierre ang buong pamilya ni Mei. In fact, this is also the reason why Pierre accepted me as his secretary. It was because I am the adoptive daughter of Liu's. "So, you're telling me you'll keep this pregnancy a secret para lang hindi masira ang relasyon nilang dalawa?" Hindi makapaniwalang saan ni Mei. "Sienna, sa oras na kinuha ni Pierre ang pagkababa* mo, sira na ang relasyon nilang dalawa." Mei being my best friend always slaps me with her words. "He ruined their relationship, not you!" "I want to forget him, Mei." Nang sabihin ko iyon, bigla itong natigilan. Sa loob ng mahigit limang taon mula nong napagtanto kong mahal ko si Pierre, wala ni isang beses na narinig si Mei mula sa akin tungkol dito. Not in a million times did I ever told her that I want to forget Pierre. Ngayon lang. "A-Ano? Tama ba ang dinig ko? Gusto mo ng kalimutan si Pierre?" Kunot-noong wika nito. After that reckless night that we shared, I realized he will never see me the way he sees Lucielle. "Pero paano ang baby? Sienna, buntis ka at dala mo ang anak niya. It's very impossible now." Hindi ako umimik kaagad at nanatili lamang na nakatitig sa pregnancy test na hawak ko. And then right here and then, I suggested something I never thought I could utter. "I'll get rid of it." Panimula ko dahilan upang si Mei na naman ang matigilan. "I'll get rid of the baby." Napasinghap ito sa aking suwestiyon at mabilis na hinawakan ang magkabila kong kamay. "Sienna, s-sigurado ka ba?" Tumulo ang luha ko bago napatango. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit, lalo akong napaiyak at ganon na rin siya. I asked her a favor not to tell any single soul about this and she promised. Mei immediately helped me arranged what I need. She gave me the assurance that no matter what, she respects my decision. Sinabi niya rin sa akin na kahit labag man sa kanyang kalooban ang desisyon kong magpalaglag, wala rin naman siyang karapatan na diktahan ako. If she was in my position, she might not know what to do as well. Sinamahan ako ni Mei nong gabing iyon atsaka ito nagpasya na hindi umuwi sa mansyon. While my friend is already sleeping, I am still awake on the side. Starring at the pregnancy test in my hand. Napaiyak ulit ako. Your father won't accept us... "Sana mapatawad mo ako..." bulong ko sa hangin habang nakahawak sa aking maliit pang tiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD