"Pumasok ka na para matulog at magpahinga, Soledad," marahan na saad ni Adi matapos ang komportableng katahimikan. Soledad nodded then looked at the path behind Adi. "Ikaw, maglalakad ka lang ulit pauwi?" tanong niya. Adi immediately nodded. "Wala ng nagbibiyahe na mga tricycle ng ganitong oras." Tumango si Soledad. "Paano ko malalaman kung nakauwi ka nang ligtas?" tanong niya. Adi stared at her with amusement on his face. "Dito ako lumaki, Señorita. Ilang beses na akong naglalakad dito nang gabi—" Umiling si Soledad. "Kahit na," mariin niyang saad. Tinitigan siya ng lalake na may bahid ng ngiti sa labi. Kung ano talaga ang gusto ng dalaga ay kailangan niyang gawan ng paraan. "Pahingi na lang ng number mo, ite-text kita kapag nakarating na ako sa bahay," ani Adi. Agad tumango

