Para hindi matuliro at kung anu-ano ang isipin habang nakakulong siya sa mansion ay minabuti na lang ni Soledad na lumabas-labas sa mga sumunod na araw. Pumunta siya sa may bukid kung saan ang sakahan. She knows that Sonia, Eliza, and Nina are always there. Ang magulang kasi ng tatlo ay magsasaka roon pati na rin sina Oli at Ruben na kasintahan ng dalawa. Nagpahatid siya sa isa sa taga-gawa sa bahay nila. Malayo pa lang ay naririnig niya na ang boses ng tatlo, nagtatawanan. Sumulyap si Soledad sa malawak na sakahan nang sunod-sunod siyang binati ng mga magsasaka roon. She smiled and waved to them. "Magandang hapon din po. Maya-maya ay magmeryenda na po kayo. I brought some food," saad niya at sinulyapan ang nakasunod sa kaniyang tauhan nila. Everytime she visits here, she makes sure th

