Lumabas si karl na umiiyak.
Mama!, Mama!, Maaaa!!, Ang kanyang sigaw at hinahanap ang kanyang Ina.
Kaya di na nakatiis si Melissa na nakikita ang kanyang pinsan na umiiyak.
Kaya nilapitan nya ito at hinawakan ang kanyang kamay habang ito'y umiiyak na nagpupunas ng kanyang luha.
Dinala ni Melissa si Karl sa kanilang kwarto at doon nya pinatahan.
"Anong nanyari Karl? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Melissa kay Karl.
"Ate Melissa pinagalitan ako ni papa!" Iyak nyang sabi.
"Bakit ano ba ang kasalanan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hinahanap ko kasi si mama!" Sabi ni Karl.
"Saan ba nakalibing ang mama mo? at dadalawin natin ngayon araw!" Ang tanong ko kay Karl.
"Di ko alam ate Melissa kung nasaan naka libing si mama at hindi pa kami nakakadalaw ni papa." Sabi ni Karl na nagpalito sa amin.
"Ah!, Bakit di mo alam kung nasaan ang libingan nang mama" pagtatakang tanong ko kay Karl.
"Hindi sinabi ni papa kung nasaan na si mama!" Ang mahinang sabi ni Karl sa amin.
Nagkatinginan kami ni Vickie dahil may nararamdaman kaming masama kay Tito Arturo.
Dahil sa hindi nya pagsasabi ng totoo sa kanyang anak kung nasaan ang asawa nya.
Na bigla kaming lahat sa kwarto ng may kumakatok sa pinto.
"Karl andyan ka ba? Pagtatanong ni Tito Arturo sa kabilang pinto.
"Opo papa andito po ako!" Mahinang sagot ni Karl sa kanyang papa.
"Anak lumabas ka muna! At mag-usap tayo sa opisina ko! Ang mahinang sabi ni Tito Arturo kay Karl.
Natatakot lumabas si karl sa pinto para kausapin ang kanyang ama at nanginginig ang buo nyang katawan.
Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at tinitigan sa mata.
"Wag kang matakot Karl nandito lang kami sa likod mo at sasamahan ka namin." Pagsisiguro ko sa kanya.
Kaya pumunta si Karl sa pinto at binuksan habang tumitingin sya sa amin.
Kaya tumatango ako sa kanya.
At nagpapahiwatig sa kanya na okay lang at buksan ang pinto.
Nang nabuksan na nya ang pinto ay biglang yumakap si Karl sa kanyang ama.
Kaya yumakap din si Tito Arturo sa kanya.
"Papa!, Patawarin nyo po ako at hindi ko na uulitin tanungin kayo kung nasaan si mama!" Naiiyak nyan sabi ni Karl.
"Halika ka muna sa opisina!" Sabi ni Tito Arturo at sabay hila kay Karl.
Napatingin lang si Karl sa amin habang hila sya ng kanyang papa papunta sa kanyang opisina.
Buong araw na hindi ko Nakita si Karl at Tito kaya ngayon kaming tatlo lang ang kumakain ng hapunan.
"Ate Melissa bakit kaya hindi na bumaba si Karl?" Pagtatanong ni Vickie sa akin.
"Ewan ko rin Vickie" sagot ko sa kanya.
Nang matapos na kaming kumain ay tumambay.
"Ate Melissa kung pupunta tayo ulit sa attic pwede bang isama natin si Karl?" Pagtatanong ni jay sa amin.
"Huwag muna jay at baka maguluhan lang si Karl sa kanyang makikita!" Paliwanag ko sa kanya.
Maya-maya ay bumaba si Karl na may dalang chocolate's. Napakarami ng kanyang dala sa amin.
Ate Melissa!, Ate Vickie, jay meron akong dalang chocolates dito Pinabibigay ni papa para kainin natin.
Masaya nyan sabi at umupo sa amin tabi na parang walang nanyari kanina sa kanya.
"Okay na na Karl?" Tanong ni Vickie.
"Oo, ate Vickie! Okay na ako!. Nagkabati na kami ni papa!" Masaya nyang sagot sa amin.
Kaya kumuha kami at kinaina ang chocolate.
"Ang sarap naman ito Karl!" Sabi ni Vickie habang Kumakain ng chocolates.
"Ahhhmmm!" Ang sarap talaga ng chocolate ate Melissa!" Nasasarapan nyang sabi ni jay sa kanyang ate.
Hahahaha!, Oo masarap na kaya hinay-hinay lang sa pagkain ng chocolate ha!" Ang paalala ko sa kanya.
Nang matapos na kami kumain ng chocolate at pumunta na kami sa amin kwarto.
"Ate Melissa punta tayo ulit sa attic!" Sabi ni jay na nangungulit.
"Mamaya na kapag tahimik na ang lahat" Sabi ko kay jay.
At naghanda ng mga kailangang dalhin sa pagpunta sa attic.
Sa susunod.