CHAPTER 8 [Athena’s POV] First time kong umiyak sa harapan ng isang lalaki, at kay Levi pa. Hindi ko na kasi napigilan ‘yong emosyon ko. Pakiramdam ko’y ang bigat-bigat ng kalooban ko at kailangan ko itong mailabas para gumaan ‘yong pakiramdam ko. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang umiyak no’ng kasalukuyan akong hinahabol no’ng mga lalaki, subalit nagpigil ako dahil ayaw kong iparamdam sa mga ito na natatakot ako. Naramdaman kong bahagyang yumuko si Levi para hagurin ‘yong likuran ko kaya lalo lamang akong napahikbi. “You are safe now.” Halos pabulong n’yang turan. Bahagya akong tumingala sa kanya. Masuyo s’yang ngumiti sa akin. “Thank you.” “Kuya, excuse me.” Narinig kong turan ni Dylan buhat sa likuran ni Levi. Bahagya pa itong tumikhim. Noon ko lang naalalang kasama nga pala i

